EPILOGUE
Pagkatapos ng gabing iyon ay naging okay na ko. Natanggap ko na ang lahat nang nangyare. Natanggap ko ng wala na sa akin si Gavin, ngunit kahit wala siya rito ay mananatili siya sa isip at puso ko. Hinding-hindi ko na siya ulit malilimutan.. Hindi ko na ulit malilimutan ang taong bumuo sa kung ano ako ngayon.
Siguro nga ay may makikila tayong tao na makakapagbago sa atin, na ibibigay lahat ng makapagpapasaya sa atin, taong mamahalin natin ng lubos ngunit kailangang mawala sa ating tabi. Alam kong lahat ng bagay ay may rason kung bakit nangyayare.. Hindi man naten alam sa ngayon, balang araw ay malalaman natin ang dahilan kung bakit iyon nangyare.
Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko, at mas pinagbuti iyon. Sa mga taong hindi ako nakapagfocus sa studies dahil nagdadalamhati ako sa pagkawala ni Gavin ay pinilit kong makahabol sa pag-aaral. Mas marami na akong rason ngayon para ipagpatuloy ang pag-aaral at buhay ko. Simula ngayon, lahat ng gagawin ko ay para sayo Gavin.. Sa bawat gawin ko ay alam kong kasama kita..
Magiging Engineer ako, dahil ito ang pangarap ko.. Na naging pangarap naming dalawa ni Gavin..
I will be a licensed and professional engineer, I promise..
"Alliyah Celestine Garcia, Bachelor of Science in Civil Engineering..", anunsyo ng host at agad akong umakyat sa stage. Tumingin ako sa una at ngumiti sa pamilya ko.
I'm one step away to become an engineer, love..
"Hi baby..", nandito ako ngayon sa puntod ni Gavin dala ang graduation picture ko. Dinala ko rin yung picture namin noon nung gumraduate ako ng Senior high.
"I'm going to take my board exam.. magsisimula na kong magreview.. Guide me.. Help me para malagpasan ko ang lahat nito.. Pagbalik ko rito, I have my title na as an Engineer.. Wait for me okay? I love you Gavin.. my Engineer.."
"Hi love, I'm back.. and guess what? I'm an Engineer now. They will call me Engr. Garcia from now on.. How I wish it will become Engr. Martinez..", inayos ko ang picture namin naming dalawa at nakita ko yung picture namin sa Caleruega church..
"You know what baby, when we were here I imagined that we're having our wedding here.. From that day, hiniling ko na sana pagdating ng araw.. maikasal tayong dalawa sa lugar na yon.. Pero kahit anong hiling ko, it won't happen anymore..", umihip ang hangin at naramdaman kong parang may yumakap sakin. Napangiti ako at dinama yon.
"I love you too, Gavin. "
Nagsimula akong magwork kasama ang team ni daddy na kalaunan ay nakasama ko ang dating team ni Gavin.. Lahat sila ay masaya para sa akin dahil nakikita lang daw nila ako noon na tumitingin sa kanila ngunit ngayon ay kasama na nila ako sa mga projects na gagawin nila.
Ang dating minor projects na tinatanggap ko ay naging major projects na. Sobrang sarap sa pakiramdam na nagagawa mo ng maayos yung mga pangarap mo dati.. Mas nakakataba ng puso dahil ang pangarap ko noon ay natupad na.
Nandito ako ngayon sa Tayak para pagmasdan ang sunset. Lahat ng alaala ko rito ay bumalik sa isip ko. Dito sa lugar na ito umamin sakin si Gavin na gusto niya ko.. Dito sa lugar na 'to niya ko tinanong kung pwede siyang manligaw.. Saksi ang lugar na ito kung paano ako kiligin at maspeechless sa tanong na yon ni Gavin.. Saksi ang lugar na ito sa pagpayag ko at sa mga nararamdaman ko noon..
I wish I could go back in that time.. if only I have a time machine..
Unti-unti nang lumulubog ang araw at napapangiti na naman ako dahil sa ganda non. Eto lang ata ang hindi nakalimot kung paano ako mapapasaya bukod kay Gavin.
![](https://img.wattpad.com/cover/249079680-288-k692392.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...