CHAPTER 23

6 0 0
                                    

CHAPTER 23

Maaga akong gumising para makauwi sa San Pablo. Christmas break na ulit kaya excited akong umuwi dahil makikita ko ulit sina mommy, mga pinsan ko at syempre si Gavin. Sabay kaming aalis ni Tricia ngayon hindi gaya ng dati na nauuna siyang umuwi kaysa sakin, sinabayan niya kong umalis ngayon para raw hindi ako mag-isa sa bahay.




Mag-isa lang ako sa byahe kaya pinilit kong hindi makatulog, mahirap na baka makalagpas ako ng bababaan. Parang naging mabagal ang byahe kong yun kaya bagot na bagot na ko sa kinauupuan ko. Tumawag sakin si Gavin para sabihing hindi niya ko masusundo sa bus stop kaya bigla akong nalungkot. Ang tagal ko siyang hindi nakita tapos ngayong uuwi ako ay hindi ko pa rin siya makikita dahil busy siya sa site. Nakakatampo, nakakalungkot ngunit kailangan ko pa ring intindihin.





Nakababa ako sa bus at nakita ko kagad sina mommy. Lumapit agad sila sakin para tulungan ako sa bitbit ko, niyakap ko rin agad sila. Agad akong pumasok sa kotse dahil gusto kong matulog, nawalan ako ng gana dahil hindi ko pa rin makikita si Gavin.

"Mom, dad let's go na. I'm sleepy..", sabi ko sa kanila dahil hindi pa rin kami umaalis dito sa bus stop.

Nasa loob na naman kaming lahat ng kotse pero hindi ko alam kung bakit hindi pa kami umaalis, wala naman kaming inaantay.

"Just wait baby..", yun lang ang sinabi ni mommy ngunit hindi ko maintindihan. Hindi ko na lang yun pinansin at sumandal na sa bintana para sana matulog nang may biglang kumatok doon.




Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko si Gavin sa labas ng kotse. Napatingin muna ako kina mommy at daddy saka nila ko ningitian at sinenyasan na lumabas.

"Go baby, we'll wait you here..", sabi ni mommy.

Lumabas agad ako sa kotse buti na lang ay nakalayo na si Gavin sa kotse kung kaya't hindi siya nadali nung binuksan ko ang pinto. Nang maisara ko ang pinto ng kotse ay agad akong tumakbo sa kaniya para mayakap ko siya at bigla na lang tumulo sa mga mata ko ang luha.

Hinampas ko pa siya sa likod habang nakayakap pa rin.

"Nakakainis ka! Sabi mo busy ka..", hindi ko mapigilang mapahikbi habang nagsasalita.

"I just wanted to surprise you.. kaya lang napaiyak naman kita..", hinawakan niya ang mukha ko saka pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Umiiyak ako dahil.. dahil masaya akong makita ka.. Akala ko ay hindi pa rin kita makikita ngayon.. It's just tears of joy..", pinunasan ko na rin ang mga luha ko dahil may mga nakatingin na samin, nagawa na kami ng eksena rito sa bus stop baka isipin nila ay may ginawang masama sakin si Gavin kaya tumigil na ko sa pag-iyak at niyakap na lang ulit siya.

"Sinabi ko naman sayo noon na kahit anong mangyari at kahit gaano ako kabusy ay dadating at dadating ako.. Pupuntahan kita kahit anong mangyare.."

Napangiti na lang ako sa mga sinabi niya at tumigil na sa pag-iyak.



"Pwede ba kita maidate ngayon, Alliyah Celestine?", tanong niya sakin nung kumalas ako sa pagkakayakap.

"Hmm, pwede naman.. Magpapaalam lang ako kina mommy.."

"Napagpaalam na kita kagabi pa..", napatingin ako sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala, palagi siyang may plano.. Palagi niya akong sinusurprise sa sarili niyang paraan.

"Okay, pero magpapaalam pa rin ako.", bumalik ako sa labas ng kotse at kinatok ang bintana.



"Mom, dad magdedate kami ni Gavin.. Is it okay?"

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon