CHAPTER 3

22 0 0
                                    

CHAPTER 3

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko, 5:30 am pa lang ng umaga kaya medyo madilim pa sa labas. 7:30 am pa ang start ng klase ko but since mabagal akong kumilos, gumising talaga ako ng maaga para makapagprepare agad. Bumangon ako at nagstretching at dumiretso sa lababo para magtoothbrush. Pagkatapos non ay nagsimula na kong magluto ng pagkain ko. Nagsaing ako gamit ang rice cooker at nagluto ng scrambled egg na may kamatis at dalawang hotdog. Mag-isa lang naman ako kaya konti lang niluto ko, ayokong magluto ng marami dahil masasayang lang pag hindi ko naubos.

Pagkatapos kong magluto ay bumalik ako sa kwarto para ayusin ang isusuot ko, nakafree style pa lang kami ngayon since school opening pa lang. After one month siguro ay irerequired na kaming mag-uniform. Dumiretso na ko sa bathroom para maligo pagkatapos ayusin ang mga gamit ko. Pambahay na lang muna ang isinuot ko baka kase mag-amoy itlog at hotdog ako kapag yung pangpasok na ang sinuot ko. Nagsimula na kong kumain habang nagbbrowse sa phone ko ng schedule ko. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ulit ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung saan ba yung room ko.



6:45 am nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili. High-waisted pants at white fitted blouse ang sinuot ko then sneakers, nagdala na rin ako ng denim jacket incase na malamig sa room. Naglagay rin ako ng konting liptint at cheektint para magmukha naman akong maayos. Tiningnan ko ulit ang mga gamit ko at nang masigurado ko na wala na kong nakalimutan ay umalis na ko papuntang school.



Habang naglalakad ay may nakikita na kong ilang students na sa tingin ko ay schoolmates ko. Sa isang kilalang school sa Cabuyao ako napasok. Ang ibang estudyanteng nakikita ko ay naka free style din gaya ko, siguro ang iba ay katulad kong Senior high student din, yung iba siguro ay mga freshman at siguro may transferees din sa kanila. Ang ibang students naman ay mga naka uniform na kaya masasabi mo talagang doon sila napasok dahil sa mga uniform.



When I entered the entrance, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pagtingin ko sa right side ko, may nakita akong babae na gaya ko ay nakafreestyle din.

Sana senior high student din siya para naman may makasama na ko.

Mabagal akong naglakad palapit sa kaniya at nang nasa gilid niya na ko, hindi ako makapagsalita.

Gosh, ano bang kailangan kong sabihin? Should I say hi or itanong ko na kaagad kung senior high din ba siya?

"Hi", mabilis ang naging paglingon ko sa babaeng nasa tabi ko, she was smiling at me.

I'm speechless, you need to talk now Alliyah this is your chance. "Uhm, hi", sabay ngiti ko sa kaniya at ngumiti rin naman siya pabalik saken. "I'm Alliyah", sabay abot sa kaniya ng kamay ko.

Tinanggap niya rin naman ito saka nagpakilala, "I'm Tricia".

"Uhm Tricia, are you a senior high student din ba?", nahihiya talaga akong kausapin siya. Bakit kase hindi ako marunong makipagsocialize sa ibang tao?

"Ah yes. Stem strand", she answered while smiling.

Napangiti talaga ako ng sobra nang marinig ko ang sagot niya. "Parehas pala tayo, stem strand din ako.", nahihiya pa rin talaga ako sa kaniya huhu.

"Oh really, so saan kang room ngayon? Baka magkaparehas tayo.", halata sa boses niya na excited siya dahil gaya ko siguro ay masaya rin siya dahil may nakilala ng ibang tao.

"Sa room 208. Hindi ko nga alam kung saan yun eh."

"Waaah! Omg we're classmates! Look sa room 208 rin ako!", sa sobrang saya niya ay halos mabitawan niya na ang hawak niyang class schedule na pinapakita saken. Tuwang-tuwa rin naman ako dahil sa wakas ay may kasama na ko.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon