CHAPTER 13

9 0 0
                                    

CHAPTER 13

Halos magtatatlong buwan na simula nung ligawan ako ni Gavin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya sinasagot. March na ngayon, ilang weeks na lang ay matatapos na ang pasukan namin.

"Alli, bat hindi mo pa rin sinasagot si Gavin? Hehe ask lang..", tanong ni Tricia sakin.

"Eh hindi niya naman ako tinatanong kung payag na ko hehe.", simula nung ligawan niya ako ay hindi niya ako tinatanong kung kami na ba, o kung girlfriend niya na ko kaya hindi ko pa rin siya nasasagot hanggang ngayon.

"Baka naman ikaw lang din ang hinihintay ni Gavin? Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?"
"Oo, Tricia.. Sigurado na ko..", tumili na naman si Tricia at agad-agad niya kong niyakap.  Buti na lang at hindi hampas ang ibinigay niya sakin dahil kung hindi ay hahampasin ko na rin siya.


Lumipas na naman ang mga araw at halos wala na kaming ginagawa sa school, final exam na lang ang hinihintay namin at doon na lang kami nagfofocus.


Dumating ang araw ng exam at naging maayos naman ang result non, lahat kami ay nakapasa. Inaayos na lang namin ang clearance namin para matapos na ang school year na ito. Hinahayaan na lang kami ng mga teachers na asikasuhin ang mga clearance namin at pinapayagan nila kaming manood ng movie sa classroom.


Last day na ng pasukan ngayon at nandito kami ni Tricia sa library para tumambay at magbasa. Nandito lang kami maghapon, nagpapalipas ng oras. 5pm ay napagdesisyunan na naming umuwi ni Tricia.

"Alli, una ka na sa field? May gagawen pa ko eh, intayin mo na lang ako ron.", nagtataka naman ako kay Tricia dahil wala naman akong nakikitang may gagawen pa siya. Kalimitan kase ay naiiwan talaga siya kase andami niyang binabalik na libro, pero ngayon naman ay wala siyang librong kinuha, so ano pa yung gagawen niya?

"Hindi, intayin na kita..", tanggi ko.

"Ha? Umuna ka na ron, naiihi pa ko eh saka may idadaan pa ko sa faculty. Una ka na, diba sunset na? Kaya go na..", hindi na ko nakipagtalo kaya lumabas na ko ng library.


Pagdating sa field ay halos walang taong nadaan, siguro ay maagang umuwi yung mga schoolmates namin dahil wala na namang ginagawa. Pinagmasdan ko na lang ang langit at nangiti sa ganda nito. Hindi pa man ako nakakatagal ay may narinig akong tumunog na gitara. Kung hindi ako nagkakamali ay ‘Can't help falling inlove’ ang tinutugtog non kaya agad akong napalingon kung nasan ang tumutugtog.

Hindi na mapakali ang mga demonyo sa tiyan ko at bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko. Nasa harap ko ngayon ang lalaking nagpatibok ng puso ko.. at tinutugtog niya ang paborito kong kanta sa gitara..

Wise men say

Only fools rush in

Unang lyrics pa lang ng kanta ay halos magwala na ang buong sistema ko. Andito ngayon si Gavin, na nakangiting kinakanta ang paborito kong kanta at mababasa sa mga mata niya ang sobrang pagmamahal niya sa akin.

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Hindi ko na mapigilan ang mapangiti, sobrang saya ng puso ko. Kulang ang salitang masaya sa nararamdaman ko ngayon..

Take my hand

Take my whole life too

For I can't help falling in love with you

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon