CHAPTER 29
Dalawang araw akong nagstay sa ospital para tuluyang gumaling ang mga natamo kong sugat. Sa dalawang araw din na yon ay wala akong tigil sa pag-iyak. Kahit nandon sina mommy ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Wala akong pakialam kung nakikita nila akong umiiyak dahil nasasaktan talaga ako, hindi ko pa rin matanggap.
Sa dalawang araw din na yon ay hindi ko na nakita si Tita Rachel, ang sabi ni mommy ay inaasikaso niya ang burol ni Gavin.
Gustong-gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. Gustong-gusto ko nang makita si Gavin. Gusto ko siyang mahawakan at yakapin kahit alam kong impossible.
Tumigil ang kotse namin sa tapat ng bahay nina Gavin. Hindi pa man ako nakakalabas sa kotse ay nakita ko na ang malaking picture niya sa labas ng gate nila.
Pinipigilan kong umiyak at pinilit na maging malakas.
Nanlalambot ang mga tuhod ko nang makababa ako sa kotse. Parang wala akong lakas maglakad. Ang makita ang picture na yon ni Gavin ay nakakapagpahina sakin. Kinukuha non ang lahat ng lakas ko."Baby, are you sure you want to do this? Pwede naman tayong bumalik-", agad kong pinutol ang sinasabi ni mommy at nagsalita.
"I want to see him mommy.. Kaya ko po.", pinipilit kong hindi pumiyok ngunit hindi ko nagawa.
Inilalayan ako ni mommy papasok sa gate ngunit wala pa man sa kalhati ang nilalakad namin ay parang hindi na ko makagalaw. Nang makarating kami sa pinto ay nakita ko kaagad mula roon ang kabaong na kung saan nandon si Gavin. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil kusa iyong pumatak at wala nang tigil.
Gavin..
Tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo na lang ako sa sahig. Humagulgol ako sa pag-iyak na parang batang naagawan ng candy. Ang sakit sakit ng puso ko. Parang gusto ko na lang mawalan ng hininga at humiga sa tabi ni Gavin. Niyapos ako ni mommy at pilit pinapatahan ngunit ang mga luha ko ay hindi na tumigil sa pagtulo.
Wala mang lakas ay pinilit kong tumayo at naglakad papunta sa kabaong. Nang makarating ako ron at nakita si Gavin na nakahiga at payapang natutulog ay lalo akong napahagulgol. Hindi ko siya kayang makita sa ganitong paraan.
"Gavin, baby wake up please.. I know you're just sleeping, please wake up na.. Please wag mo naman akong biruin ng ganito oh, gising na please.. Baby, wake up please..", pakiusap ko kahit alam kong hindi na ko naririnig ni Gavin at kahit alam kong hindi na siya gigising pa.
Tinitigan ko ang mukha niya at hinaplos ang salamin na nakaharang sa kaniya para mahawakan ko siya.
"Ang daya mo naman Gavin.. Sabi mo hindi mo hahayaang mapahamak ka? Akala ko ba ikaw na mismo ang lalayo sa kapahamakan? Bakit mo hindi ginawa Gavin? Bakit kailangang mapahamak ka pa?"
"Ang bilis mo namang iwan ako.. Pagod ka na ba sakin? Hindi ka na ba masaya sakin kaya pinili mo ang ganito? Ni hindi ka man lang nagpaalam sakin ng maayos.. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba yung nakita ko sa ospital.. Baby, bakit? Bakit iniwan mo ko ng ganito? Paano na ko ngayon? Paano ko matutupad lahat ng pangarap at plano ko nang wala ka? Kasama ka sa lahat ng plano ko pero bakit iniwan mo ko?", nagsasalita ako sa harap ng katawan ni Gavin na parang walang ibang taong nandon at nakikinig sakin.
"Huling sunrise at sunset na pala natin yon.. edi sana pinigilan ko na ang araw na lumubog para hindi na matapos ang araw.. Huling sayaw na pala natin yon.. edi sana pinatugtog ko na ang pinakamahabang kanta para hindi na tayo huminto sa pagsasayaw.. Huling kanta na pala natin ng magkasama.. sana.. sana kinanta na natin lahat ng kantang alam natin hanggang sa mapaos tayo at tuluyang mawalan ng boses.. Huling trip na pala natin yon, sana hindi nalang naten sinelebrate ang anniversary natin para.. para hindi na tayo umabot sa ganito ngayon.. Sana nandito ka pa rin ngayon sa tabi ko at wala ka dyan.. Huling yakap at pagkikita na pala natin yon, sana.. sana mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.. Sana hindi na ko bumitaw.. Sana hindi na lang ako pumikit.. kase nung pumikit ako, nawala bigla ang lahat.. Sa pagpikit ko, nawala ka na sakin.. Sana sa pagpikit ko hindi na lang ako nagising..", habang sinasabi ko ang mga linyang iyon ay bumabalik sa alaala ko ang mga huling sandaling kasama ko si Gavin.

BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...