CHAPTER 5

17 0 0
                                    

CHAPTER 5

Ilang students pa ang kumanta pagkatapos ko bago matapos ang audition. Inannounce naman ng teacher namin na wala na kaming klase kaya naman tuwang-tuwa kami dahil maaga kaming makakauwi. Hindi ko na nakita ulit non si Gavin hanggang sa makarating kami sa bahay.


Napag-usapan namin ni Tricia yung mga nangyare kanina. Bilib na bilib daw siya sa boses ni Gavin, nakakainlove nga raw sabi niya.

Ganan din ang naisip ko Tricia.. 

Pinuri niya rin ako dahil nagawa ko raw kumanta sa harap ng maraming tao. Achievement ko raw yon dagdag niya pa. Kumain kami ng dinner at pagkatapos ay pumasok na kami sa mga kwarto namin.

Nagvideo call naman kami nina mommy dahil miss na miss na raw nila ako. Ilang buwan na kong hindi nakakauwi sa amin dahil wala akong oras para umuwi, masyado kaming busy sa school. Sa tuwing maggagayak akong umuwi ay ayun naman at may biglaan kaming activities na dapat gawen kaya hindi ako natutuloy sa pag-uwi. Naiintindihan naman daw nila kung hindi ako makakauwe dahil pag-aaral naman ang inaatupag ko. Minsan ay sina mommy na ang bumibisita saken dito sa tuwing off nila sa work. Masaya na ko sa ganon dahil kahit papaano ay nakakasama ko pa rin sila. After magvideo call ay nagbrowse pa muna ako sa facebook. Biglang may nagpop-up na notification kaya dali-dali ko iyong tiningnan.

"OMG! Waaaahhh!"

Gavin Dwight Martinez sent you a friend a request..

Omg! Omg! Hindi ko mapigilan ang tuwang nararamdaman ko kaya nagpagulong-gulong ako sa kama habang hawak ang phone ko.

"Alli! What happened? Are you okay?", nag-aalalang tanong saken ni Tricia. Masyado atang napalakas ang sigaw ko kaya nagmamadali siyang pumunta sa kwarto ko.

"Yes Tricia I'm okay. I'm more than okay..", halos mapunit na ata ang labi ko dahil sa sobrang pagkakangiti. Pinakita ko sa kaniya ang phone ko at gaya ko ay nagulat din siya sa nakita pero napalitan din iyon ng ngiti.

"Omg! Eto na yon.. Eto na ang simula ng pag-iibigan niyo.", may halong pang-aasar ang boses niya pero mararamdaman mo pa rin don na seryoso siya sinabi niya.

"Ano ka ba Tricia, friend request lang naman yun eh. Ang OA mo talaga hahaha", pinipilit ko namang itago ang tuwa ko pero hindi ko rin talaga mapigilan ang mapangiti kahit kinokontra ko ang mga sinasabi niya.

"Nako Alli.. I’m telling you, this is the start of everything.. I'm happy for you.", pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na siya sa kwarto niya dahil inaantok na raw siya. Tiningnan ko naman ulit ang phone ko, saka ko inaccept ang friend request ni Gavin. Nakangiti pa rin ako habang nakatingin sa kisame.

What if tama si Tricia? Na eto na ang simula? Hindi pa ata ako ready makipagrelasyon, anong gagawen ko? Erase. Erase. Walang ganon Alli. Friend request lang naman yon, walang ibang ibig sabihin yon. Malay mo diba gusto niya lang talaga makipagfriends sayo. Oo ganon nga yon, gusto niya lang makipagfriends..


Matapos kong kumbinsihin ang sarili ko na friendship lang talaga ang ibig sabihin non ay natulog na rin ako. Kinabukasan ay maaga kaming pumasok dahil ngayon ilalabas ang result ng audition na nangyari kahapon. Hindi ako kasama sa list pero okay lang atleast nagtry ako. Nakita ko sa list ang name ni Gavin, siya na lang isusupport ko bukod sa mga kaklase kong nakapasok sa Battle of the Bands besides wala na naman akong ibang kakilala sa mga names na nasa list.




Eto na ang pinakahihintay namin, Foundation week na. Ang daming booths na nagkalat sa gilid ng field. May rooms din na nilaan para sa mga activities ng iba't ibang club, organization at department.  Yung ibang booths ay may bayad, yung iba naman ay libre. Yung iba ay may prizes kang makukuha pero yung iba, certificate lang ang ibinibigay. Ang week na ito ang magsisilbing pahinga naming lahat, wala kaming iintindihin na mga schoolworks. Ang gagawin lang namin ay sulitin ang araw at mag-enjoy sa mga booths na mayroon.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon