CHAPTER 9

17 0 0
                                    

CHAPTER 9

Sa sumunod na mga araw ay mas dumalas na kung magsama kami ni Gavin. Palagi ko ring naririnig ang mga impit na tili ni Tricia sa tuwing magkasama kami. May mga oras din na hindi siya makapagpigil kaya nahahampas niya ako, kung minsan pa ay hinahampas niya rin si Gavin. Madalas na rin kaming magchat sa isa't isa, naging komportable na sa isa't isa. Sapat na saken ang ganon, ang hilingin na sabihin niya saking liligawan niya ako ay parang sobra na. Kuntento na ko sa kung anong meron kami ngayon, may pagkakaintindihan kami na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Simula na nang Christmas break at napagpasyahan kong bukas na lang uuwi. Mag-isa lang ako sa bahay dahil umuwi na kahapon si Tricia sa kanila. Inayos ko na ang mga gamit ko para bukas ay hindi na ko mahihirapan. Balak kong maagang umalis bukas para makauwi ng maaga sa bahay namin sa San Pablo. Magkocommute lang ako dahil hindi ako masusundo nina mommy, sa bayan na lang daw ng San Pablo nila ako susunduin.

Wala akong ginagawa kaya naisipan kong magbrowse na lang sa fb.

Gavin Martinez: Nasa apartment ka pa? Sinong kasama mo?

Alliyah Garcia: Yes nasa apartment pa. Umuwi na si Tricia kahapon kaya mag-isa lang ako.

Gavin Martinez: Kelan uwi mo? Ihahatid kita.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ihahatid daw, malayo-layo rin kaya ang San Pablo rito sa school namin. Kaya paano niya ako ihahatid?

Alliyah Garcia: Bukas ng umaga. Wag mo na kong ihatid. Malayo-layo ang San Pablo rito, mapapagod ka lang.. I can handle myself, thank you :)

Gavin Martinez: Sa San Pablo ka nakatira?

Nangunot naman ang noon ko, ano namang meron kung sa San Pablo ako nakatira?

Alliyah Garcia: Yes, why?

Gavin Martinez: Dun din ang punta ko bukas. Sa San Pablo rin ako nakatira :)

Talaga ba? Sa tagal naming magkakasama ay ngayon ko lang nalaman na taga San Pablo rin pala siya. Hindi kase namin nababanggit sa isa't isa kung saan kami talagang nakatira kaya akala ko ay taga roon lang si Gavin kung nasan ang school namin. Kung ganoon ay talagang maihahatid niya pala ako dahil pareho lang pala kami ng uuwian na bayan.

Gavin Martinez: Sabay na tayo umuwi bukas. What time ba?

Alliyah Garcia: Maaga ako aalis dito. Mga 8am ganon..

Gavin Martinez: Okay. Sabay na tayo para maihatid kita sa inyo :)

Alliyah Garcia: Okay, see you tomorrow Gavin. Goodnight :)

Gavin Martinez: See you Alliyah, goodnight :)

Natulog na ko pagkatapos non nang may ngiti sa labi. Sino bang mag-aakala na sa iisang bayan lang pala kami nakatira? Napakaliit talaga ng mundo.. Baka nakita ko na siya noon nang hindi namamalayan, baka isang beses nagkabunggo na pala kami sa kalsada o baka naman napagtanungan ko na siya noon kung saan yung lugar na hinahanap ko.. Kung nangyare man noon iyon nang hindi ko namamalayan ay masaya ako dahil nakita ko siyang muli, masaya ako na ngayon ay kasama ko na si Gavin..


Kinabukasan ay maaga akong gumising para hindi malate sa usapang oras namin ni Gavin. 7:45 am ay nagmessage si Gavin para sabihing papunta na siya sa apartment ko. Tinext ko naman si Tricia na aalis na ko ngayon dahil ang bilin niya sakin ay itext ko siya pag-aalis na ko. Sinabi ko rin sa kaniya na kasabay kong uuwi si Gavin dahil parehas kami ng bayan kaya ganon na lang ang tuwa at kilig niya dahil katulad ko ay hindi niya rin inexpect na parehas kaming nakatira sa San Pablo. Nilock ko na ang pinto at sa labas na lang hinintay si Gavin. Hindi na ko nagdala pa ng gamit dahil marami naman akong gamit sa bahay namin, isang shoulder bag lang ang dala ko para paglagyan ng wallet at phone.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon