CHAPTER 25

11 0 0
                                    

CHAPTER 25

After ng trip namin sa Batanes ay naging busy agad si Gavin, siguro dahil ilang araw kami nanatili ron ay natambakan siya ng trabaho.

Pagmalapit ang site nila ay pumupunta ako, dinadalhan ko siya ng pagkain. Kung nandun din si daddy ay dinadalhan ko rin siya. Nung una ay nagagalit pa sakin si Gavin dahil hindi ako nagsasabi na pupuntahan ko siya, well I'm just surprising him too. Nagagalit siya dahil baka raw may mangyare saken sa way papunta ron, palagi ko namang sinasabi na nag-iingat ako, doble ingat pa nga. Nasanay na rin siya sa pagpunta-punta ko ron at masaya siya dahil nagkakasama kami.



Isinasama niya pa ko minsan sa paglilibot sa buong site. Ganito ang future work ko, kailangan ko nang maging familiar.. Marami ang bumabati saking workers dahil alam nilang girlfriend ako ni Gavin, nalaman din nila na anak ako ni Engr. Donald Garcia kaya  mas dumami ang bumabati sakin.


Kung hindi ako napunta sa site ay nananatili lang ako sa bahay o di kaya naman ay nagpupunta ako sa mga pinsan ko para makipagbonding.



Habang nagmumuni-muni ako sa kwarto ay nakarinig ako ng doorbell, agad akong bumaba para tingnan kung sino yon. Ako lang mag-isa rito sa bahay dahil parehas nasa work ang parents ko.

"Special delivery for Engr. Garcia..", sabi ni Gavin kaya natawa agad ako.

Niyakap ko siya saka pinatuloy sa bahay. May dala siyang pizza, fries at milktea.

"Wala kang work? Walang project?", tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga dala niya sa table sa sala, dun ko na lang naisipang ilapag yon para makapanood kami ng movie kung pwede siya.

"Kakadaan ko lang sa site, ayos naman yung ginagawa nila kaya umalis muna ako para puntahan ka."

"Hindi ba magagalit co-workers mo? Kase umalis ka?"

"Hindi naman, nagpaalam din ako kay Engr. Garcia bago ka puntahan..", dati ay Tito lang tawag ni Gavin kay daddy pero simula nung magtake siya ng board exam hanggang ngayon ay Engr. Garcia na ang tawag niya sa daddy ko.

Alam niya raw na mahirap makuha ang title na 'Engr.' kaya ayun ang itatawag niya bilang respeto at paghanga. Hindi lahat nang nag-eengineer ay nagiging Engineer talaga, yung iba ay nalilihis sa daan, yung iba naman ay di nakakapasa sa board exam, yung iba naman ay mas pinili ang ibang profession kaysa engineering.


"What should we do now?", tanong ko matapos ayusin ang pagkain sa table, magkatabi na kami ngayon sa sofa at ang kamay niya ay nakapatong sa sandalan ng sofa.

"Let's build our future together..", sagot niya na nakapagpatulala sakin.

"What?", hindi ko maintindihan, simple lang naman yung sinabi ni Gavin at madaling intindihin pero nahihirapan akong iprocess yon. Nakailang kurap pa ko sa kaniya at hindi niya man lang ako sinasagot, nakatitig lang siya sakin habang nakangiti.


"I want to be with you for the rest of my life.. So let's make our future together.."



Napangiti ako sa kaniya dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, para niyang hinahaplos ang puso ko na napakasarap sa pakiramdam.

"Me, too Gavin.. I want to spend my future with you..", lumapit ako sa kaniya para makayakap.

Ang sarap pala talaga sa feeling ng ganito, yung kasama ka sa plano ng taong mahal mo..

"So, what's your plan?", tanong niya at napaisip ako.

"Bukod sa makasama, I want to be a licensed and professional engineer muna like you before magsettle down.. It was my dream ever since I was a child.. I want to be like my dad.."

It's kinda awkward dahil ganito na ang usapan namin. Masyado pang maaga para sa mga ganitong usapan pero hindi ko rin maiitanggi na masaya ako sa usapan naming 'to. Dahil ngayon pa lang ay binubuo na namin ang future namin ng magkasama..

"Susuportahan kita, kasama mo ko ngayon hanggang sa maging ganap na civil engineer ka na.. Gagabayan kita at tutulungan.. Your dream will be my dream too.."

"After I passed my board exam, I want to work with you.. in a project, in the site and in everything."

"Me too, I want to be with you all day.. Hindi ako makakaramdam ng pagod kapag kasama kita."

"Where do you want to go? Is there a place that you want to visit?"

"Marami.. at lahat ng iyon ikaw ang gusto kong makasama.."

"Alam mo bang pinangarap kong makapunta sa Intramuros?", umiling siya sakin.

"And you made my dream come true.. Dinala mo ko sa Intramuros and I was so happy back then.. Dinala mo ko sa isang museum.. Nakikita ko lang sa Facebook yung museum dates and you made it real.. Kakaiba pala talaga ang feeling ng museum dates..", hindi siya umimik dahil tutok siya sa pakikinig sakin.

Napapangiti naman ako habang nilalaro-laro ang buhok niyang itim na itim.

“Then the Caleruega church.. mas masaya ako nung nagpunta tayo ron dahil napakaganda ng lugar na iyon pero naging pinakamasaya ako sa Batanes.. Hindi ko inakalaang makakarating ako sa Batanes para icelebrate ang anniversary natin.. Lahat ng lugar na gusto kong puntahan ay napupuntahan ko dahil sayo. Dinadala mo ko sa mga lugar na gusto ko without you knowing it. I'm so blessed and I was happy because you took me in those places. I'm the happiest because of you.. and thank you."

"Lahat ng lugar na napuntahan at pupuntahan ko kasama ka ay memorable para sakin.. Kaya sa lahat ng lugar na gusto mong puntahan ay sasamahan kita."

"Let's go to Sagada.. for our second anniversary.."

"Sige gusto ko yan.. Let's watch the sunset and sunrise in Sagada..", sobrang saya ko nang pumayag siya.

Feeling ko ay nagkamali ako nang sabihin kong pinakamasaya ako sa Batanes dahil mas magiging pinakamasaya ata ako sa Sagada..

"Let's go to Iceland! I want to see the northern lights! Tapos sa Sultan Kudarat, the mountain ranges there. Then sa maple country, Canada!"

"Okay okay we'll go there in the future.. We'll travel around the world.."

"WAAAAHHH! Gusto ko yon!", di ko na napigilang mapasigaw dahil sa tuwa.

Ngayon pa lang ay naeexcite na ko at sobra-sobra na ang tuwa.

"I promise I will be an engineer and when that happens, we will make all our dreams come true.. I promise to stay with you forever, I will never leave you..", sabi ko.

Ningitian niya ako saka sumagot.

"I promise to build our house first because I want to make sure that you will have a good life with me. I promise I'll marry you when the right time comes."

"I'll wait for that time.. I won't be tired waiting for that moment if that means I'll have you forever."



"Can we stay like this for the next two years?", tanong ko sa kaniya at agad siyang tumango.

"How about for the next five years? 10 years? 20 years?", sunod-sunod kong tanong at nakailang beses naman siyang tumango.

"Kahit forever pa.. We can stay like this forever.. I promise..", napangiti ako dahil sa sinabi niya.



Ngayong araw, naplano namin kung saan-saan kami pupunta. Naplano naming magtatayo muna siya ng bahay bago ako pakasalan. Nangako kami sa isa't isa na hindi iiwan ang bawat isa kahit anoman ang mangyare. Nangako kaming mananatili kaming ganon for the next 2, 5, 10, 20 years.. We promised to each other that we will stay to each other forever.. We promised that we will love each other for the rest of our lives.. We promised that we will last forever..

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon