CHAPTER 27

9 0 0
                                    

CHAPTER 27

Gavin's POV

Nagising ako nang nasa tabi ko si Alliyah na mahimbing pa ring natutulog. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha at hinawakan ang pisngi niya. Kung pagdating ng panahon ay siya ang makikita at makakasama ko sa umaga ay paniguradong magiging maganda ang bawat umaga ko.

Unti-unti siyang nagmulat kaya napangiti ako lalo.

"Goodmorning, love..", bati ko sa kaniya ngunit tipid na ngiti lang ang isinagot niya sakin bago pumikit muli at sumiksik sakin.

"Gising na, baby magsasunrise.. You want to watch the sunrise here in Sagada diba? Wake up na."

"Hmm, one minute baby.. I'm still sleepy..", sagot niya at sinubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Okay, one minute..", lumipas na ang isang minuto ngunit hindi pa rin siya gumigising. Kaya nang makalimang minuto na ay pinilit ko na siyang gisingin at inaya palabas ng tent.




Nang makalabas kami ay nagkaniya-kaniyang pwesto na ang mga turista para mapanood ang sunrise.

Nakatayo kaming dalawa kung saan malinaw na matatanaw ang paglitaw ng araw.

"You know what..", nagsalita si Alliyah kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa harapan at pinagpatuloy ang sinasabi..

".. with all the sunrise I spent with you, I knew that our beginnings will always be amazing, exciting and surprising..", tumingin siya sakin nang nakangiti at nagdulot yon ng tuwa sa puso ko..

Lahat ng salitang binibitawan niya ay tumatatak sa puso ko at nag-iiwan iyon ng saya roon, sakin.. Lumapit ako sa kaniya para yumakap.

"How about all the sunsets that we've watched?"

"Ang sabi nila, sunsets are proof that endings could be beautiful.. and you know what, I prove it right.. With all the sunsets we've watched, I knew that endings could be beautiful.. My day ends beautifully because of you.. because I have you..", tumingala siya sakin at ginawaran ko siya ng halik sa noo.

Pinagmasdan namin ang araw hanggang sa tuluyang lumitaw.






Nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit at nagsimula na sa pagtetrek pababa. Nang magsimula kaming bumyahe pabalik sa Laguna ay napag-isipan naming daanan ang mga tourist spot na madadaanan namin along the way. Nagpatugtog na lang ulit kami at sinabayan ang mga kanta.


Ayoko nang matapos ang araw na ito.. Kung pwede lang, huwag na sanang matapos ang araw na ito.


Tumugtog ang isang kanta mula sa isang korean drama na paborito ni Alliyah kung kaya't alam ko iyon at nasabayan.


With December comes the glimmer on her face

And I get a bit nervous

I get a bit nervous now

In the twelve months on I won't make friends with change

When everyone's perfect can we start over again


The playgrounds they get rusty and your

Heart beats another ten thousand times before

I got the chance to say I miss you


When it gets hard

I get a little stronger now I get a little braver now

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon