CHAPTER 8
Nang makarating sa kami sa bahay ay dumiretso na si Tricia sa kwarto niya. Hindi na kami nag-abalang magluto at kumain ng dinner dahil nabusog kami kanina, ang daming biniling pagkain ni Gavin. Kumuha naman ako ng tinapay at tubig saka dumiretso sa kwarto. Baka gutumin ako mamaya, mas maigi na yung ready para di ko na kailangang lumabas pa ng kwarto mamaya.
Pagkatapos magbihis ay nahiga ako sa kama, napatulala na naman ako sa kisame.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sa tuwing kasama ko siya o may ginagawa siya ay ganong kabilis na lang ang tibok ng puso ko? Bakit may kung ano sa tiyan ko na nagwawala, ayun na ba yung tinatawag nilang butterfly in the stomach? May gusto na nga ba ko sa kaniya? Kung meron, kailangan ko na bang pigilan ang sarili ko? O hayaan ko na lang na gustuhin si Gavin? Hindi ko alam, natatakot ako sa hindi maipaliwanag na dahilan..
"Liligawan ko muna", nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga salitang yon.
Totoo ba yung sinabi niyang yon? Pero bakit hindi niya na ulit inulit ang mga salitang yon? Ang ibig kong sabihin, bakit hindi niya sabihin saken? Hindi ba dapat sasabihin ng lalake sa babae na manliligaw siya? Hindi ba dapat magtatanong muna siya kung pwedeng manligaw? Pero bakit hindi siya nagtatanong? Bakit hindi niya sabihin saken na liligawan niya ko? Siguro biro lang talaga yun.. Siguro sinabi niya lang yun pero wala naman siyang balak gawin.. Nalungkot ako sa naisip ko, siguro nga ganon lang yun.. Umaasa lang ako sa bagay na hindi naman mangyayari..
Dumaan ang ilang araw ng Sportfest na basketball lang ang pinanonood ko. Sa tuwing may laro sina Gavin ay dun lang ako nanonood. Hindi kami tumitigil ni Tricia sa kakasigaw at kakacheer sa tuwing sila ang naglalaro. Kapag wala naman silang laro ay nag-aattendance lang ako tapos pupunta sa library para magbasa o di kaya naman ay sa canteen para kumain o di kaya ay sa field para tumunganga.
Sa huling laro nina Gavin para sa championship ay halos mapaos na talaga ako. Kung dati ay wala kaming tigil sa pagsigaw, ngayon ay wala na talagang minuto na hindi kami sumisigaw. Dumoble rin ang lakas ng sigaw namin kaya naman konti na lang ay mapapaos na talaga ako.
Lagi naman akong inaabutan ni Gavin ng tubig na galing sa bag niya. Hindi ko kase tinatanggap yung tubig na binibigay niya na para sa team nila dahil nahihiya ako, saka isa pa ay para sa mga players lang talaga yon. Sa tuwing gagawin yun ni Gavin ay ningingitian ko na lang siya saka magpapasalamat. Kasunod non ay ang mga tili at hampas saken ni Tricia, kesyo kinikilig daw siya sa amin. Ningingitian ko na lang siya at hindi na pinapansin kahit sa loob-loob ko ay gusto na rin siyang hampasin dahil ang lakas at masakit na ang mga hampas niya saken at paulit-ulit niya pa yung ginagawa.
"Umamin ka nga saken Alli. Yung totoo, kayo na ba ni Gavin?", tinanong niya ko habang nasa kalagitnaan na ng game.
"Hindi. Hindi naman siya nanliligaw kaya paanong magiging kami? Walang kami Tricia.", hindi ko mapigilan ang pait sa tono ko nang sabihin ko yon, sana ay hindi na niya yon napansin.
"Talaga? Hindi siya nanliligaw? Eh bakit may ganan?"
"Ewan ko.. Wag mo ng pansinin, okay? Basta walang kami.", kahit ako ay hindi maintindihan ang mga kinikilos ni Gavin.
Hindi ko sinasabi kay Tricia yung mga nangyari nung nakaraan. Hindi niya alam na sinabi ni Gavin na liligawan niya muna ako. Pero hindi naman siya nagsasabi saken na manliligaw siya, kaya hindi ko alam kung para saan ‘tong mga kinikilos niya.
"Okay.. Pero kung manliligaw man siya, papayagan mo ba?", hindi ako makasagot sa tanong na yon ni Tricia.
Sa ilang araw kong pag-iisip ay hindi ko man lang yon naitanong sa sarili ko, kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ni hindi ko nga masagot ang sarili ko kung gusto ko na ba si Gavin, yun pa kayang sagot kung papayag akong magpaligaw?
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...