CHAPTER 17

16 0 0
                                    

CHAPTER 17

Simula nung manalo ako sa solo singing ay marami nang bumabati sakin, marami ring nagtatanong sakin kung boyfriend ko raw ba talaga si Gavin. Sa tuwing sasabihin kong 'oo' ay parang nalulungkot sila ngunit agad din silang ngumingiti at sinasabing,

"Congrats po."

"Stay strong po sa inyong dalawa. "

"Sayang naman, crush ko pa man din si Kuya Gavin."

"Ship ko po kayong dalawa!"

"Fans niyo po kami, we love you po!"

Ganan ang mga sinasabi nila, para tuloy akong naging instant celebrity at ang kalove team ko ay si Gavin, haha. Sa kabila ng mga iyon, I stay my feet on the ground.

Sa mga nagdaang araw ay naging busy na talaga kami dahil sa dami ng schoolworks, activities at exams. Nagsimula na ulit magpatry-out sina Gavin dahil malapit na ang Sportfest. Sa pagkakataong iyon ay pumunta na kami ni Tricia sa try-out kahit hindi naman kami kasali, pinanood na lang namin silang malaro at magsaya.

Hindi na nahirapan sina Gavin na maghanap at kumuha ng bagong members sapagkat kakaunti lang ang nagtry-out ngayon. Kinuha na nilang lahat yung mga nagtry-out dahil may potential naman daw lahat.

Tuwing Sunday ay nagtetraining sila, may mga pagkakataong sumama kami ni Tricia ngunit minsan ay hindi sapagkat may kailangan kaming tapusing schoolworks.



SPORTFEST na naman kaya niready ko na ang boses at lalamunan ko para sumigaw at magcheer sa department namin. May laro ngayon sina Gavin at kalaban nila ay ang Tourism Department, ang tatangkad ng mga players na yon talagang masasabi mong tourism students dahil na rin sa mga itsura. Hindi ko naman sinasabi na required sa course na yon na maganda at gwapo, sadyang ganon lang talaga ang mga tourism students, may mga itsura.

Nagsimula ang laban at lumamang agad ang kabilang team. Todo agaw naman ng bola ang grupo nina Gavin, ngunit sa tuwing nasa kanila ang bola ay mabilis din itong naaagaw ng kalaban. Hindi tuloy ako makasigaw ng sobra sapagkat wala ng pagkakataon para sumigaw, sisigaw pa lamang ako ay ayun at naagaw na ng kalaban ang bola.

Nalulungkot ako bagaman 1st quarter pa lang. Huling laro na 'to ni Gavin dahil graduating na siya this year at alam kong kahit hindi niya sabihin, gusto niyang manalo at magchampion sa larong ito para sa huling pagkakataon na naglaro siya ay naipanalo nila.

Dasal ako nang dasal na sana ay hindi mapahamak si Gavin at ang grupo nila dahil masyadong madumi maglaro ang kalaban. Hindi man ako naglalaro at walang masyadong alam sa larong basketball ay masasabi kong madumi maglaro ang mga ito. Halos itulak na nila ang grupo nina Gavin para lang makaiwas sa mga ito. Alam kong natural lang ang galaw na iyon para hindi maagaw ang bola pero sa nakikita ko ay masyadong malalakas ang pwersa nila ngunit hindi naman tinatawagan ng referee na foul iyon.

Natapos ang first quarter at lamang ang kabilang grupo. Nagsimula ang second quarter pero hindi muna ipinasok si Gavin kaya pumunta siya sa tabi ko.

"Are you okay? May masakit ba sayo?", nag-aalala kong tanong sa kaniya. Baka kase mamaya ay masyadong malakas ang pwersa ng kalaban at baka masaktan siya.

"Wala naman..", sagot niya at ibinalik ang mata sa court.

Kinuha ko naman ang face towel niya at pinunasan ang pawis niya. Sa kaniya na lang ako nagfocus dahil ayaw kong mapanood ang maduming laro sa harap ko.

"Bwiset yung mga yun ha, ang yayabang! Saka nakikita ko yung mga kilos nila ha! Bakit hindi tinatawagan yun ng foul ha?!", reklamo ni Tricia at mararamdaman mo ang galit niya dahil sumisigaw siya, napapatingin tuloy samin yung mga malapit samin.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon