CHAPTER 1
Its summer vacation that's why sobrang excited ako dahil pupunta kami ngayon sa kilalang beach dito sa Batangas. I'm with my family and relatives. Every summer vacation nagpupunta kami sa iba't ibang beaches o di kaya naman ay nagtatravel kami sa iba't ibang lugar na malapit lang sa Laguna. Nakasanayan na ng buong pamilya itong ginagawa namin kaya every time na matatapos ang school year, we all looked forward na sa outing namin. This year, napili namin na rito mag-outing sa Laiya White Cove Beach Resort.Maaga kaming umalis para pumunta sa beach dahil medyo may kalayauan ang place na iyon. May sariling sasakyan ang mga tita ko kaya hindi kami nahihirapan every time na may outing kami. Sa isang van kami sumakay ng mga pinsan ko, marami kami but we managed na magkasya sa iisang van. Close kami ng mga pinsan ko kaya ganito na lang ang kagustuhan namin na sumakay sa isang van kahit siksikan dahil ayaw namin mahiwalay sa isa't isa. Nasa kabilang van naman ang mga parents namin kasama yung mga pinsan namin na maliliit pa.
It was almost lunch time nang makarating kami sa Resort kaya nagdecide sina mommy na maghanda na ng makakain para makapaglunch na kami. Naging busy na ang mga parents namin sa paghahanda ng table kaya nagdecide kami ng mga pinsan ko na pumunta sa tabing-dagat. I was wearing my maong shorts and a white off shoulder crop top, mamaya na lang ako magpapalit after kumain besides wala pa naman akong balak magswimming dahil tirik na tirik ang araw.
Nawala ang gutom ko nang makita ko ang napakagandang view sa harapan ko. Kitang-kita ko ang malinaw na tubig mula sa dagat na halos nagkukulay blue na at ang perfect white sand na talaga namang napakaganda. I love seeing things like this. Gustong-gusto ko yung mga ganitong tanawin dahil narerelax ako at napapasaya ako ng mga ito. Tinawag ako ng mga pinsan ko para makapagpicture kami. Naubos ang oras namin kakakuha ng mga pictures bago kami tinawag para mananghalian.
After maglunch, nagpunta ako sa ilalim ng puno at doon naglatag ng tela para maupuan. Tinanaw ko ang payapang dagat at nakita ko na roon ang ilan sa mga pinsan ko na maglalangoy na kasama ang iba pa naming pamilya. Hinayaan ko ang sarili ko na manood sa kanila at pagmasdan ang napakagandang tanawin ng hindi ko man lang namamalayan ang oras. Alas tres na ng hapon nang naisipan kong magpalit ng pangswimming, hindi na ganoong kainit kaya napagdesisyunan ko nang lumusob sa dagat.
Sumama ako sa mga pinsan ko at lumangoy kami nang lumangoy na para bang wala ng bukas. Umahon na rin ako around 5pm at naisipang maligo at magpalit na ng damit. I was wearing a white highwaisted shorts and a pink croptop. Kinuha ko ulit yung tela para ilatag naman sa pinong-pinong buhangin at doon naupo. I wanted to watch the sunset sa lugar na 'to dahil alam kong matagal na panahon ulit bago kami bumalik dito. Sobra akong naamaze ng view kaya hindi ko mapagilan na mapangiti. Nakita ko kung paanong ang kulay asul na langit ay napalitan ng magkakahalong kulay na violet at pink. Ang ganda talaga ng sunset kaya napangiti na lang ulit ako.
"The sunset was too beautiful that it makes you smile.", halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang may biglang magsalita.
Napatingin agad ako sa side na yon kung nasaan ang nagsalita, nakatingala pa ako dahil nakaupo ako at siya naman ay nakatayo. Nagulat ako dahil nakatingin ito saken habang nakangiti at maya-maya ay tumingin na siya ulit sa harapan nang nakangiti pa rin.
Tumayo na ko para maharap ko siya ng ayos, tinitigan ko siya dahil hindi ko naman kilala ang isang 'to and yet kinausap niya ko.
Wait, ako nga ba ang kausap niya?
Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao sa paligid ko pero wala akong nakita kung hindi kaming dalawa lang kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"Why? Mas maganda na bang pagmasdan ang mukha ko kaysa sa sunset na nasa harap mo?", seryoso niyang tanong.
"What?", napamaang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bigla atang lumakas ang hangin dito dahil sa sinabi niya. Tumawa siya kaya iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya.
Sino ba kase 'tong lalake na 'to, close ba kami para magbiro siya?
Kinuha ko na lang yung tela na nilatag ko at tumalikod na sa kanya, aalis na ko bago pa maging pangit ang memory ko sa lugar na ito ng dahil sa kaniya. Naglakad na ko papalayo pero naramdaman kong sumunod siya saken.
"Wait!", tawag niya kaya humarap ako sa kanya na para bang wala akong interes sa kanya. Well totoo naman, I'm not interested in him. Nakangiti pa rin siya saken samantalang ako naman ay bagot na bagot na at gusto nang umalis don.
Seriously, magsasalita ba 'to or what? Nakangiti lang siya saken, gosh one minute na ata ang nakakalipas, nakangiti pa rin siya. What's with that smile ba? Kase seriously mukha siyang ewan.
"Are you done watching the sunset?", tanong niya saken nang nakangiti pa rin siya! Gosh!
Napatingala naman ako sa langit at nakita ko na mas gumanda ang kulay ng langit ngayon kesa kanina dahil unti-unti nang dumidilim, napangiti ulit ako pero naalala ko na may kasama nga pala ako rito na stranger.
Humarap ako sa kanya, "Yes, I’m done watching it".
Kahit na sa loob- loob ko ay gusto kong sabihin na hindi pa ako tapos manood pero dahil nandito siya, kabaligtaran ang sinabi ko. Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya.
"Mas maganda 'to mamaya kaya kung ako sayo, I'll stay and watch it..”, pahabol niya pang sabi.
Natigilan ako sa sinabi niya, I know na mas maganda pa ang sunset mamaya pero hindi ako komportable na kasama siya dahil he's a complete stranger to me.
Ayoko pang umalis dahil ayun talaga ang iniintay ko, ang pagdilim ngunit dahil nandito siya, kailangan ko nang umalis.
"Wait, do I know you?", sa wakas natanong ko na rin siya. Kung makapagsalita kase siya parang matagal na kaming magkakilala. Tumawa siya sa tanong ko, ano bang nakakatawa sa tanong ko? What's wrong with him? Kainis.
"Wow, hindi ako nainformed na englishan pala rito HAHAHA", sinamaan ko siya ng tingin dahil konti na lang mauubos na pasensya ko sa kaniya. Ang lakas ng loob niyang magsabi ng ganon gayong kanina lamang ay nag-english siya. Gusto ko sana yung sabihin sa kaniya pero huwag na lang.
Bakit ayaw niya na lang sagutin yung tanong ko? Dami pang sinasabi.
"Fine, sino ka?", tanong ko ulit sa kaniya.
"Inire ako hindi sinuka HAHAHAHA"
What? Ano daw? My gosh, I know it's a joke pero hindi ako natatawa. Tiningnan ko ulit siya, iniisip kung may makukuha ba kong matinong sagot dito. Base sa mga sinasagot niya saken, feeling ko wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya kaya aalis na lang ako sa lugar na 'to kaysa makasama ang isang ito. Tinalikuran ko na ulit siya at naglakad pabalik sa room namin. Thank God hindi na siya nagsalita at sumunod pa. Nakasimangot tuloy ako habang naglalakad dahil yung pinakahihintay kong view ay hindi ko nakita ng dahil sa kaniya. Nasira yung panonood ko ng sunset at ang maganda kong memory dito, all because of him.

BINABASA MO ANG
Missing You
RomansaAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...