CHAPTER 26
Masasabi kong naging masaya ang bakasyon ko. Napuntahan ko lahat ng mga lugar na gusto kong puntahan at mas naging masaya iyon dahil si Gavin ang kasama ko sa mga lugar na iyon.
Natapos ang bakasyon kaya bumalik na ko sa school, 2nd year college na ko kaya inaasahan ko nang magiging busy ako. Tuloy-tuloy naman ang pagtanggap ni Gavin sa mga project kaya naging busy na rin siya.
Magkasama kami ni Tricia sa bahay ngunit nakikita lang namin ang isa't isa tuwing kakain, pagpapasok at uuwi sa school. Dahil nga magkaiba na kami ng course ni Tricia ay hindi na kami makapagtanungan kapag may hindi kami naiintindihan sa lesson, ngunit madalas ay napagkukwentuhan namin ang mga subjects namin kahit hindi kami makarelate sa isa't isa. Sa tuwing may tanong ako o hindi maintindihan ay kay Gavin na lang ako nagtatanong, natutulungan niya naman ako kaya lang ay tinigil ko na ang pagtatanong sa kaniya dahil nakakaabala ako sa trabaho niya.
Palagi siyang gumagawa ng paraan para magkita kami, minsan sa isang buwan ay pinupuntahan niya ko rito sa apartment para makita at makamusta ngunit agad din naman siyang aalis dahil kailangan siya sa site at marami siyang trabaho.
Lumipas ang Foundation week, Sportfest nang hindi kami nagkikita ng personal. Lalong naging busy si Gavin sa work dahil ngayon ay humahawak na rin siya ng mga major projects at may sarili na rin siyang team gaya ni daddy. Maging ang pamilya ko ay di ko na nakikita, hindi tulad ni Gavin na nagagawa akong puntahan dito, sila ay wala talagang panahon para puntahan ako. Hindi naman sila nakakalimot na tawagan at kumustahin ako. Kailangan ko na yata talagang sanayin ang sarili ko sa ganitong sitwasyon dahil once na maging engineer na ko ay magiging busy na rin ako tulad nila.
Ang hirap pala talaga magmaintain ng relationship kapag ganito ang sitwasyon. Kaya siguro marami ang naghihiwalay dahil nawawalan ng time sa isa't isa dahil sa mga sari-sariling work at buhay. Buti na lang ay hindi kami umaabot sa ganon ni Gavin, pilit pa rin naming iniintindi ang sitwasyon at gumagawa ng paraan para hindi mawala ang communication sa isa't isa. Yung iba kase ay nawawalan ng communication kaya nauuwi sa hiwalayan.. Mahirap pala talaga.. Kaya mahirap pumasok sa isang relationship nang hindi pa ready, nang hindi marunong umintindi dahil hindi magiging maganda ang ending.
Christmas break na at ngayon lang ako nakauwi sa San Pablo, naninibago ako dahil wala man lang ni isa sa kanila ang sumundo sakin. Lahat sila ay busy sa work at wala ng panahon para sunduin ako. Masyado ata akong nasanay na sa tuwing uuwi ako ay may sumasalubong agad sakin pagbaba ng bus. Kailangan ko na rin sigurong masanay sa ganito ngayon dahil habang patagal ng patagal ay lalong nagiging busy ang mga tao.
Dumiretso na lang ako pauwi sa bahay. Nang makarating ako ay saka lang ako nagtext sa kanila na nakauwi na ko. Nagpadeliver na lang ako nang makakain dahil tinatamad ako magluto, nalimutan ko rin namang bumili nang pagkain bago ako umuwi kaya wala akong choice kundi magpadeliver.
Hindi na kami lumayo ng mga pinsan ko para sa gala namin. Lahat ng lake rito sa San Pablo ay pinuntahan namin, tangkilikin ang sariling atin sabi nga nila.
Natapos ang New Year at bumalik na ulit ako sa school. Naging mabilis na ulit ang mga araw at linggo. Halos isang buwan ata kaming hindi nagkausap ni Gavin dahil sa tuwing itetext o tatawagan ko siya ay hindi niya masagot dahil sobrang busy niya trabaho. Kapag siya naman ang magtetext o tatawag ay hindi ko rin nasasagot dahil busy ako sa schoolworks at laging nakasilent ang phone ko ng di ko alam. Madalas din kase ay gabing-gabi na tumawag si Gavin kaya hindi ko na talaga nasasagot dahil tulog na ko sa mga oras na iyon, di ako nagigising sa ring ng phone dahil madalas ay pagod na pagod ako sa school.
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...