CHAPTER 16

10 0 0
                                    

CHAPTER 16

Gigising. Kakain. Papasok. Mag-aaral. Kakain. Mag-aaral ulit. Uuwi. Kakain. Aral. Tulog. Gising ulit. Paulit-ulit na ganan lang ang ginagawa namin sa loob ng halos dalawang buwan. Gaya ng inaasahan ay mas naging komplikado at mas naging mahirap ang taong ito, bukod sa graduating students kami ay marami pa kaming ginagawa sa iba't ibang subjects.  Ganito naman talaga siguro paggraduating na, talagang mapapagod ka ngunit sa huli ay labis-labis na tuwa naman ang kapalit.



Last week before August na kaya magsisimula na ulit ang audition for Foundation Week. Nandito kami ngayon sa canteen para maglunch.

"Gavin, sasali ka ulit sa solo singing?", tanong ni Tricia kaya lahat kami ay napatingin kay Gavin.

"Hmm, baka hindi na.."

"Bakit naman? Malay mo manalo ka ulit..", sabi ko naman kaya tumingin siya sakin.

"Balak kong sa battle of the bands na lang sumali tapos ikaw ay sa solo singing para masuportahan kita.."

"Ano? At sinong may sabi sayong sasali ako sa solo singing? Hindi ako sasali ron."

"Bakit naman, hindi? Sumali ka na ron, baby.. Hmm? Hmm?"

Talagang pinipilit pa ko ng isang ‘to ha.

"Oo nga, Alli sali ka na.. Malay mo it's your time to shine..", sabi naman ni Tricia.

Parang ganon din yung sinabi niya sa akin noon ah.. Tapos di naman ako nakapasok sa solo singing haha.

"Ala ayoko.. Di naman ako magaling kumanta, hindi ako para ron.."

"Hindi ka talaga para ron, dahil para sa akin ka..", singit ni Gavin.

Nagtawanan naman sina Tricia at Jason dahil sa sinabi ni Gavin. Ako naman ay nakakatitig lang sa kaniya na para bang nakarinig ako ng napakacorny na joke. Haha.

"Ang konri mo talaga kahit kailan..", umirap ako saka tatawa-tawang humarap kina Tricia na ngayon ay natatawa na rin.

"Sali ka na ron, this time sisiguraduhin nating makakapasok ka na sa solo singing..", pamimilit sakin ni Gavin. Tatango-tango naman sina Tricia at Jason.

"Paano mo naman nasisigurong makakapasok ako ron ha? Ikaw ba ang judge?"

"Hindi.. Pero kakausapin naten ang mga judges, susuhulan natin para ipasa ka nila sa solo singing.. HAHAHA", tumawa silang lahat pwera sakin.

Sa lahat ng tanong ko at sabihin ko ay may naisasagot ang isang 'to sakin, puro naman kalokohan. Sa kabila non ay natawa na rin ako, syempre joke yon kaya kailangang isupport haha.

"Sali ka na.. Hmm?", pilit ulit sakin ni Gavin at sa pagkakataong ito ay lumapit na siya sakin at ipinatong ang baba sa balikat ko. Nag-isip naman muna ako bago nagsalita.

"Sige, sasali ako.. I'll try..", lumiwanag naman ang mga mukha nila at lahat sila ay nagsabing susuportahan nila ako. Dapat lang nila akong suportahan dahil sila ang pumilit saken na sumali ron.



Bago kami bumalik sa classroom ay dumaan muna kami sa office para makapagpalista ako sa audition for solo singing.




Lumipas ang dalawang araw at mamaya na ang audition ko. Kung dati ay hindi ako nakapagfocus sa klase dahil sa audition ngayon naman ay parang hindi ako kinakabahan, parang biglang tumaas ang self-confidence ko kaya hindi man lang ako nakaramdam ng kahit ano.

Kumain kami ng lunch at pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagpunta sa hall para sa audition ko. Mas dumami ngayon ang tao kumpara noong nakaraang taon, hindi ko lang alam kung lahat ba sila ay kasali o manonood lang din gaya nina Gavin.


Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon