CHAPTER 11
Alliyah’s POV
Nang tanungin ako ni Gavin kung pwedeng siyang manligaw saken, hanggang sa sumagot ako ng oo ay hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at ang saya na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang nakakalipas magmula noong nagpunta kami sa Tayak at simula non ay nagbago na ang lahat sa amin ni Gavin. Mas naging caring siya, lagi niya akong pinapaalalahanan na kumain ako sa tamang oras, mas naging madalas na rin ang pag-uusap namin via call and text na noon pa man ay ginagawa na namin pero iba ang pakiramdam ngayong nangliligaw na siya, para bang ang lahat ng sabihin at gawin niya ay nadudulot sakin ng kilig at pinapabibilis ang tibok ng aking puso.
Nakausap ko na rin sina mommy at daddy tungkol don. Kinwento nila saken kung paano nagpaalam sa kanila si Gavin para ligawan ako. Masaya sila para sakin at paulit-ulit nila akong pinapaalalahan ng mga tama at hindi dapat na gawin. Pinapaalala rin nila sakin na kahit anong mangyare ay huwag kong papabayaan ang aking pag-aaral. Gawin ko raw na inspirasyon si Gavin sa pag-aaral at sa mga gagawin ko na kahit hindi naman nila sabihin ay gagawin ko. Nalaman na rin ng mga pinsan ko na may manliligaw ako ngunit hindi pa nila nakikilala personally si Gavin. Hindi ko naman muna sinabi kay Tricia ang tungkol don dahil gusto ko siyang surprisahin at mas gusto kong sabihin iyon sa kaniya ng personal.
Hindi pa ulit kami nagkikita ni Gavin simula nung magkita kami sa Tayak kung kaya't parang hindi ko maramdaman na nililigawan niya ko. Hindi man kami magkita dahil busy siya ay hindi niya naman nakakalimutang iparamdam sakin na gusto niya ko, sa katunayan nga ay kahit sa call o text lang kami nagkakausap ay sobra-sobra ang ipinaparamdam niya sakin. Hindi kami yung typical na ligawan na pupunta sa bahay araw-araw o di kaya naman ay magdadate sa kung saan-saan, ganito lang ang ginagawa namin ang tumawag at magtext. Ewan ko ba pero wala naman akong pakialam kung ganon lang ang ligawan namin, ang totoo ay mas nakakatulong iyon para mas makilala namin ang isa't isa. Madami na kaming nashare na stories sa isa't isa kung kaya't unti-unti naming nakikilala ang isa't isa at unti-unti na ring nabubuo ang tiwala sa pagitan naming dalawa.
Sunday ngayon at naisipan ng mga pinsan ko na tumambay muna rito samin. Ang usapan namin ay magmomovie marathon kami hanggang hindi na namin maimulat ang mga mata namin dahil sa antok. Bumili muna sila ng pagkain like chips, drinks saka ulam na rin para raw hindi na namin maabala si mommy. Habang inaantay ko sila ay nagmessage ako kay Gavin para sabihing magmomovie marathon kaming magpipinsan. Ininvite ko rin siya para kako mameet na siya personally ng mga pinsan ko. Pumayag naman siya at sinabi niyang pupunta siya rito sa amin after lunch dahil may tinatapos pa raw siyang schoolworks. Buti na lang ako ay natapos ko ng lahat ang schoolworks ko bago pa man magchristmas break.
Dumating na ang mga pinsan ko kaya naman naexcite ako. Hindi muna kami nanood ng movie dahil nauwi kami sa kwentuhan.
"Alli, so who's the suitor? Hindi mo man lang pinapakilala samin..", kunwaring nagtatampong sabi ni Abby. Natawa naman ako sa kaniya dahil for sure magtatampo talaga ang isang ‘to dahil hindi na ko nagkukwento sa kaniya.
"Si Gavin.. Schoolmate ko.. Actually pupunta siya ngayon dito para maipakilala ko na rin sa inyo personally..", para akong natataeng ewan dahil nahihiya ako sa kanila dahil pinag-uusapan namin ang tungkol sa manliligaw ko.
"Gavin? Anong surname? Parang familiar eh..", singit naman ni Kuya Alvin.
"Gavin Martinez kuya, actually taga rito rin siya sa San Pablo.."
"Hmmm parang familiar nga siya.. Hintayin na lang natin siya para magkaalaman.."
"Abby, isip ka na ng mga questions.. Iinterviewhin natin ang Gavin na yan..", sabi naman ni Ate May kaya nagulat ako at the same time ay kinabahan para kay Gavin.
BINABASA MO ANG
Missing You
RomantikAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...