CHAPTER 31
Lumipas ang mga araw na ganon pa rin ako, tulala at hindi makausap. Napapansin ko lahat nang tingin ng mga kaklase ko, napapansin ko rin lahat ng kilos nila na parang iniiwasan na may masabi sila tungkol kay Gavin. Hindi nakakalagpas sa pandinig ko ang mga usapan nila tungkol sakin. May naririnig ako na maging sila raw ay nalulungkot pa rin hanggang ngayon, may nagsasabi rin na hindi ako maka move on kahit ang tagal na simula nung mangyare yon pero hindi ko na lang sila pinapansin. Wala akong pinapansin ni isa sa kanila. Ni hindi ko alam kung paano ako nakakasurvive sa pag-aaral ko ng ganito ako pero hindi ko rin naman pinapabayaan ang pag-aaral ko.
Pinilipit kong hindi na maiyak at hindi na masyadong maapektuhan sa nangyare ngunit sa tuwing mag-isa ako sa kwarto ay bumabalik sa alaala ko ang lahat at kusa nang pumapatak ang mga luha sa mata ko.
Iniiwasan ni Tricia na mabanggit si Gavin o kahit anong bagay na makakapagpaalala sakin sa kaniya dahil sa tuwing nababanggit niya si Gavin ay nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Pinipilit ko namang tanggapin na ang lahat ng ito pero hindi ko pa rin kaya..
Hinatid pa ko ni Tricia sa San Pablo nung magchristmas break dahil dadalawin niya rin daw ang puntod ni Gavin. Sumama ako sa kaniya dahil gusto kong makita ang puntod ni Gavin. Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa puntod niya ay sumisikip na ang dibdib ko. Ang sakit ng puso ko, parang may sumasaksak doon.
"Hi baby..", tawag ko sa kaniya at hinaplos ang lapida niya.
"I'm still not okay, baby.. I'm sorry.. but I promise I'll be okay.. I don't know when but I promise I'll get there..", tumulo ang mga luha sa mata ko at napahikbi ako.
Bumalik lahat sa alaala ko ang mga nangyare.. Lahat ng huling sandaling magkasama kami ay bumalik sa isip ko. Ilang buwan na ang nakakalipas Gavin pero parang kahapon lang ang lahat..
"Alli, hija..", tawag sakin ni mommy at pumasok sa kwarto ko. Nakatulala lang ako sa bintana ko at hindi ko naramdaman ang paglapit niya sakin.
"Baby..", agad akong napalingon sa nagsalita dahil akala ko ay si Gavin ang tumawag sakin.
"Nasa labas mga pinsan mo.. May pupuntahan daw kayo.. Mag-ayos ka na, anak..", sabi ni mommy ngunit hindi ako kumibo.
"Anak, you need to socialize.. Kailangan mo ang ganitong mga bagay.. Go with them, please? Please don't be like this.. bumalik ka na sa dati, anak.."
"Okay, mommy.. Sasama po ako sa kanila, mag-aayos lang po ako.", hinalikan ko ang noo niya saka umalis para mag-ayos..
"Alli!", tawag sakin ni Abby nang makababa ako sa hagdan.
Lahat sila ay nakatingin na ngayon sakin at nakangiti pero kita sa mga mata nila ang awa.
"It's nice to see you again, Alli", sabi ni Abby saka yumakap.
"Are you okay now?", tanong niya sakin nang kumalas siya sa yakap. Ngumiti ako ng pilit saka tumango.
I'm not yet okay, Abby.
Tulala lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa destination namin. Bumaba kami sa van at agad kumirot ang puso ko. Andito kami ngayon sa Intramuros.. We have our first date here..
Naglakad kami papunta sa entrance at sinadya kong magpahuli. Bumalik ang alaala namin sa lugar na iyon sa isip ko. Parang nakikita ko ang sarili ko ron habang tuwang-tuwang yumakap kay Gavin. Naalala ko pa kung paano ako nagulat at nasabik nung makarating kami rito noon pero lahat ng nararamdam ko noon ay hindi ko na maramdam ngayon. Tanging lungkot at sakit lang ang nararamdaman ko ngayon. Tumulo ang luha ko at agad ko iyong pinunasan para hindi mapansin ng mga pinsan ko.
"Alli, are you okay?", tanong sakin ni ate May at lahat ngayon sila ay nakatingin na sakin.
"Yes, ate I'm okay.. Go ahead, susunod ako.", ngumiti pa ko sa kanila bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Lahat ng sulok at lugar na madapuan ng paningin ko ay nakikita ko ang mga alaala namin ni Gavin noon.
I wish you were here, Gavin..
Pinilit kong kalimutan lahat ng alaala namin sa lugar na iyon at gumawa ng bagong memories sa lugar na ito kasama ang mga pinsan ko.
Naupo kami sa damuhan at tumitig sa langit. Sunset na.. Eto lang ata ang hindi nagbabago.. Maganda pa ring pagmasdan kahit lumipas ang mga araw..
Ang saya-saya ko noon dahil nakasama kita Gavin sa lahat ng bagay na paborito ko pero ngayon ay hindi na kita makakasama muli sa mga iyon.. Kung pwede ko lang hilingin na sana ay makasama kitang muli sa mga iyon ay hihilingin ko araw-araw ngunit alam kong hindi na pwede.. Lahat ng paborito ko noon ay nagbibigay sakin ng saya ngunit ngayon ay lungkot na ang naibibigay non sakin dahil hindi na kita kasama sa mga iyon.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Niyakap ko ang mga tuhod ko at humagulgol sa pag-iyak..
Ang sakit pa rin talaga..
Nag-aayos ako ng mga gamit ko dahil bukas ay babalik na ulit ako sa apartment ko. Para lang akong robot na gumagalaw at nagsasalita lamang kung kinakailangan, kung anong sabihin nila ay yun lang ang ginagawa ko. I was barely living..
Inayos ko ang mga libro ko nang may biglang nalaglag don. Pinulot ko iyon at tiningnan. Alam ko kung kaninong sulat ang mga iyon, kay Gavin. Hindi ko alam kung paano iyon napunta sa mga gamit ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa muling sumikip ang dibdib ko nang mabasa iyon.
Tinanong kami noon ng prof ko kung willing daw ba kaming isacrifice ang buhay namin para sa taong mahal namin. Nung panahon na yon, napaisip ako. Sino ba namang isasakripisyo ang sariling buhay para sa ibang tao diba?
Pero nagbago ang paniniwala ko nung makilala kita.
Kung dadating man ang panahon na parehas tayong nasa panganib ay handa akong ibigay ang buhay ko para sayo. I'm willing to give my life kung yun lang ang paraan para mabuhay ka dahil alam kong gusto mo pang mabuhay, marami ka pang gustong gawin at ayokong ipagkait yon sayo. I love you so much to the point that I'm willing to sacrifice my life for your life..
Alam kong gugustuhin mong mabuhay para matupad lahat ng pangarap mo. Kung mawawala man ako ay alam kong kasama pa rin ako sa lahat ng plano at pangarap mo, sa ganoong paraan ay magiging masaya na ko. I love you so much Alliyah.. Live your dreamlife, baby..-Gavin
Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko pagkatapos ko iyong mabasa. Ang sakit ng puso ko.. Bawat letra sa sulat na iyon ay parang kutsilyong tumutusok sa puso ko.. Pakiramdam ko ay nasa harap ko ngayon si Gavin habang sinasabi ang lahat ng iyon.
Ito na ba yon Gavin? Ito na ba ang rason na hinihingi ko? Ito na ba ang rason kung bakit kailangang mangyare ang lahat ng ito? Bakit ganito? Hindi ko pa rin maintindihan.. Bakit kailangang isakripisyo mo ang buhay mo para sakin? Posible ba talaga yon? Bakit hanggang sa sandaling yon ay ako pa rin ang iniisip mo? Hindi ko pa rin maintindihan, Gavin.. Bakit?
Humagulgol ako sa pag-iyak habang yakap-yakap ang sulat na iyon.. Bumalik sakin lahat ng actions na ginagawa niya.
Kaya ba ayaw niyang mangako sakin dahil may ganon siyang naiisip?
Hindi ko pa rin maintindihan at matanggap pero thank you Gavin. Thank you for giving this letter..
I miss you so much Gavin.. I miss you everyday.. Missing you is the hardest part to the point na gusto ko nang mawala yung sakit, gusto ko nang mawala lahat ng alaalang nagpapaalala sakin sa nangyare..

BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...