CHAPTER 4

18 0 0
                                    

CHAPTER 4

Pumayag ang parents ni Tricia na magstay siya sa apartment ko. Tuwang-tuwa rin naman sina mommy nang malaman nila na may makakasama na ko sa bahay. After one week, lumipat na si Tricia sa apartment, kasama niya ang parents niya para raw makita ng mga ito ang bahay at para makilala na rin ako. Nagulat naman ako sa hindi inaasahang pagdating ng parents ko sa apartment nung araw din na yon. Pumunta raw sila para makilala ng personal si Tricia. Naglunch kami ng sabay-sabay at nagkwentuhan pagkatapos non.


Almost one month na nang magsimula kaming pumasok sa school. Hindi pa naman ganoon kahectic kaya naeenjoy pa namin ang pag-aaral. Maaga namang ibinigay ng mga teachers namin ang mga projects namin para masimulan na at para hindi kami mangarag sa paggagawa once na malapit na ang pasahan. Sinimulan na naming gumawa ng mga group at individual projects kahit matagal pa naman ang deadline. Ayoko namang magprocrastinate at magcramming pagdating ng pasahan lalo na't may mga hindi kami inaasahang activities na kailangang gawin kaya nahahati lalo ang oras namin.


Two months na ang nakakalipas at mas naging close kami ni Tricia. Nakatulong saming dalawa ang pananatili sa isang bahay kaya naging magbest friends kami. Everytime na may rants ako ay nakikinig siya palagi, pagnaman may problema ako hindi siya nag-aalinlangan na magbigay ng advice. Ganoon din ako sa kaniya, palagi akong nakikinig sa mga kwento at rants niya at nagbibigay din ng advice kung kailangan. Kung minsan nga ay halos abutin na kami ng madaling araw dahil sa pagkukwentuhan lalo na pag weekends at kapag walang schoolworks na dapat gawin. Naging close na rin ako sa mga kaklase ko, actually lahat sila friendly at approachable kaya hindi naging mahirap para saken ang makisama sa kanila.


Habang tumatagal kami sa school, unti-unti na ring nagiging hectic ang schedule namin. May mga times na halos magkasabay-sabay na ang deadlines ng mga activities namin tapos sasabayan pa ng mga exams at quizzes sa iba't ibang subjects. Minsan din ay ginugugol namin ang weekends para sa pagpapractice ng kung ano-ano, ngayon pa lang napapagod na ko pero mas mapapagod ako pagdumating na ang final exams at pagnag grade 12 na kami. Kaya bawat minuto mahalaga samen, wala kaming sinasayang na oras. Ginugugol namin ang mga bakante naming oras para tapusin ang mga requirements namin.


Nasa iisang bahay kami ni Tricia pero halos hindi na kami makapag-usap, kung mag-uusap man kami ay tungkol pa rin sa school requirements. Nakakatawa nga't bukod sa magkasama kami palagi sa school ay halos hindi naman namin nakikita ang isa't isa sa loob ng bahay. Nasa iisang bubong kami pero halos makita na lang namin ang isa't isa sa tuwing kakain kami dahil pagkatapos kumain ay dumidiretso na kami sa kaniya-kaniyang kwarto para maggawa ng schoolworks. Hindi kami magkasama mag-aral ni Tricia, mas gusto namin ang mag-isang nag-aaral dahil mas nakakapagfocus kami. Minsan kase ay nauuwi sa pagkukwentuhan ang pag-aaral namin. Kung minsan ay pumupunta ako sa kwarto niya para magpaturo sa mga lessons na hindi ko maintindihan, pagkatapos niyang ituro ay bumabalik na kaagad ako sa kwarto ko para aralin ulit yung lessons. Ganon din siya, sa tuwing may hindi naiintindihan ay pumupunta siya sa kwarto ko para magpaturo. Paulit- ulit lang na naging ganon ang mga ginagawa namin sa loob ng tatlong buwan.



Nang minsang magdinner kami ay naitanong sakin ni Tricia si Gavin. Sa loob ng halos tatlong buwan ay ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan niya. Tinanong ako ni Tricia kung paano kami nagkakilala ni Gavin, hindi niya raw maitanong yun saken nung nakita niya kaming magkasama ni Gavin sa field dahil nahihiya raw siya dahil hindi pa naman daw kami close. Ikinuwento ko naman sa kaniya ang unang pagkikita namin ni Gavin sa Laiya hanggang sa makita ko ulit siya sa field.


"You know what, bagay kayo... I mean ilang beses na kayong nagkikita nang hindi inaasahan, feeling ko nakatadhana kayong magkitang dalawa.", tipid na ngiti ang isinukli ko sa mga sinabi niya. Napapaisip tuloy ako sa mga sinabi niya na nakatadhana kaming magkita ni Gavin at bagay daw kami.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon