1

58 2 0
                                    

Nakatitig lang ako sa mga kaibigan ko na nagkukulitan sa loob mismo ng Royal Empire  Cafe. Tahimik lang silang nag-aalmusal kanina nang dumating si Jarvis at binubwisit na naman si Eli sa maling pronunciation nito sa kaniyang pangalan. Palagi naman iyon ang isyu dahil mahilig mang-asar itong si Jarvis. Palagi naman ganito sa club kapag nagtatagpo ang mga landas ng mga ito. Lalo na si Jarvis at Miggy. Sila ang palaging nakaka-receive ng prohibition letter. Kapag kasi may rules ka na na-violate at hindi nagustuhan ng mga owner  ay siguradong maba-ban ka sa club. Nasa owner iyon kung ilang araw or buwan kung minalas ka. Nasa kontrata iyon. And you'll pay for the penalties.

May mga rules na kailangan sundin o mga penalties na dapat bayaran kapag may na-violate ka.

"It's E-LAY. Not E-LI. Napakawalang fashion mo naman sa pagbigkas ng pangalan ko."

Iyon ang masungit na pagtatama na sabi ni Eli kay Jarvis.

"Ano naman ang big deal sa pagbigkas ng pangalan mo—

"Our fans will bash you kapag narinig ka nila na ganiyan kabaduy ang pagtawag mo sa pangalan niya." Singit naman ni Miggy sa sasabihin pa ni Jarvis.

Umupo si Jarvis sa tabi ng kaibigan nito na sina King at Irvin. Kakadating lang ni Sky na isa sa mga kaibigan nito na dahilan kung bakit nakapasok bilang miyembro ng Royal Empire Club ang mga ito. Kuya ni Sky ang isa sa mga nagmamay-ari ng club na si Cloud Azarcon.

"Kahit ano naman ang itawag sa iyo wala namn magbabago sa itsura mo." Bulong ni Lee sa akin kaya naman nang tatayo sana si Eli para patulan si Lee pero pumagitna agad ako.

"Tumigil na kayo. He's coming." Banta ko at tumingin sa pintuan ng restaurant.

Doon nakita nilang lahat ang pagpasok ni Gray kasama si Cloud. Si Gray ang unang nagpatayo ng club na ito, at tsaka nito isinama si Cloud na kaniyang matalik na kaibigan pagkatapos. Malaki ang ibinayad ni Cloud kay Gray para makapag-invest at makasama sa pamamahala nito, iyon ang narinig ko na sinabi ni Cody nang mag-inuman kami sa RE Bar. Sino naman kasi ang tatanggi sa alok na ganoon? Royal Empire Club is really famous in this country. Isa itong komunidad para sa mga kalalakihan may pambayad lang sa malaparaisong lugar na ito. You're welcome to be a member of this club kung sa tingin mo ay mababayaran mo ang lahat ng mamahaling bills na kailangan bayaran monthly. Simula sa suite na tinitirhan mo habang naka-stay dito pati na ang mga pagkain na kinakain mo ay masusing naka-record gamit ang mga member's swipe card. Katulad ng pagkain namin ngayon dito sa resto na ito ay hindi kami makakalabas kung hindi kami nakakapag-swipe ng card. Mahigpit dito lalo ba pagdating sa pagbabayad. Masyadong matinik si Gray pagdating sa pera.  At maging ang paglabas masok dito ay mahigpit na naka-record din.

Si Gray ang madalas ayaw makita ng miyembro na gagala-gala sa club, dahil kahit napakalawak ng club ay nagmimistulan itong napakasikip dahil nakabantay palagi. Kung hindi lang ako nakakalimot kahit papaano sa kagandahan ng lugar na ito? Hindi talaga ako sasama sa inalok ni Miggy, hindi ako maglulustay ng pera for this club. And besides, may sariling studio ang club kung saan kami nagpa-practice. At may mga gig kami rito every sunday. Hindi biro ang kinikita namin ng banda dito.

Umupo si Lee sa kaniyang puwesto samantalang nakaismid na umupo rin si Eli sa tabi ni Miggy na hindi alam kung paano pupulutin ang mga pinagbabato niya na tissue kay Jarvis kanina.

"Nagkakatuwaan ata kayo?" Nakangiting sabi ni Cloud nang tuluyan silang makapasok ni Gray. Kasunod nila si Cody na may kausap na isang security officer ng club.

"Medyo nanggugulo lang naman sila." Si Neal ang sumagot na galing sa counter. Si Neal ang may-ari ng paborito namin na cafe ng banda. Nakakaaliw kasing kumain dito dahil mula dito ay matatanaw mo ang Fortune Royale Garden na madalas din puntahan ng mga guests na pumapasok dito.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now