Paglapit ko sa pool ay kaagad napako ang paningin ko sa kanila. Busy sila sa pagkanta habang naggigitara sina Lee at Eli. Nakaupo sina Lee at Eli sa dulo ng pool habang nakababad sa tubig ang kanilang mga paa.
Kumakanta naman sina Miggy at Blake na sinasabayan nina Nat at Zion na mukhang tinamaan na rin ng espirito ng alak dahil magkaakbay ang dalawa ngayon.
It's just amazing na marunong lahat silang kumanta sa banda. Hindi man kasing astig ng boses ni Eli, at least they can all sing.
Ganadung-ganado sa pagtipa ng gitara sina Lee at Eli habang feel na feel iyon ni Miggy habang kumakanta.
Nang lumapit ako ay napatingin silang lahat sa akin. Kaagad napako ang paningin ni Miggy sa akin at nagniningning pa ang mga mata. Nag-init ang mukha ko at naglakad papalapit kina Nat.
"Naka-board short ka talaga?" Bungad ni Nat sa akin nang maupo ako sa tabi nila.
Namumula na si Nat katulad ni Zion na kumakanta pa rin.
"Okay na ito. Hindi ko carry iyan." Bulong ko at tinanggap ang beer na inalok ulit nila.
"Boring..." komento ni Miggy pero nakatitig pa rin sa akin.
Napaaray ito nang batuhin siya ng in can beer ni Nat.
"Asshole!" Mura ni Nat atsaka ito inirapan.
"What's your problem? Ang sakit kaya!" Singhal ni Miggy at hinimas-himas ang kaniyang ulo na tinamaan.
"Bakit mo inaaway si Miggy?"
Iba na ang tono ni Zion. She's drunk. Pulang-pula na rin siya at inaaway na si Nat.
"Tigilan mo nga si Miggy!" Singhal pa ni Zion kay Nat.
Tinignan ako ni Nat ng namumungay ang mga mata. "Your cousin is drunk."
Yeah. Parang ikaw?
Nang hanapin ng mga mata ko si Zico ay natagpuan ko ito sa harapan nina Eli na nanonood sa pagtugtog ng gitara.
Mukhang may tama na rin dahil ngingiti-ngiti na ito habang nakatitig sa mga ito.
Nakadalawang can pa ako ng beer bago tumalon sa tubig at nagbabad doon.
Pag-angat ko sa tubig para sana umahon na ay natigilan ako dahil nakatayo si Damon sa mismong tapat kung saan sana ako aahon.
I accepted his hand when he extended it to me. It's like time stopped from running when his hand, held mine. There's this electrifying feeling ran through my veins. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa pagkakatitig niya habang hinihila niya ako paahon sa tubig. Nang mahila niya ako ay napahawak ako sa kaniyang mga braso.
Nakatingala ako sa kaniya habang seryoso lang siya na nakatitig sa akin.
"Ayaw mo talagang makinig sa akin?" His voice was deep and clear.
Hindi talaga siya umiinom simula kanina. Kaya niloloko siya nina Miggy. Kaya alam ko na nasa katinuan pa siya.
Pinakawalan niya ako at may pinulot na damit sa ibaba.
Binalikan niya ako at ipinasuot niya iyon sa ulo ko.
"Please." Madiin niya na sabi atsaka ako nilagpasan.
Nasundan ko lang siya na naglakad papunta sa mga kasamahan namin.
Lumapit sa kaniya iyong Cess at pumulupot na naman kay Damon kaya napasimangot ako pero isinuot ko pa rin ang damit na ipinasuot niya. Ito iyong damit niya kanina. Infairness. Ang bango pa rin.
Palihim ko pa na inamoy ito bago tuluyan na puntahan din sila.
Nag-iihaw na sina Raven at Blake habang nag-e-enjoy pa rin sina Miggy at Zion na kumakanta sumasabay sa tugtog ng gitara ni Lee. Si Eli naman ang nagbababad sa tubig ngayon. Si Nat ay nakahiga na sa isang beach bed doon sa tabi ni Miggy.