Nang marinig ko ang busina ng sasakyan mula sa labas ay kaagad kong binuksan ang pintuan at doon nakita ko na bumaba ng van si Damon. Eksaktong nasa hardin si Mama dahil sa hinihintay niya rin si Papa. Kaya siya na ang nagbukas ng gate. Bumaba rin ang iba para batiin si Mama. Nang makapasok si Damon ay lumapit siya sa akin at pinamulsahan niya ako habang nakatitig sa kabuuan ko. Naka-bohemian off-shoulder maxi dress ako na pinarisan ko lang ng flat sandals. Ngumisi siya nang umikot ako sa harapan niya.
"How is it?" Nakangiti ko na tanong sa kaniya.
Napailing siya atsaka tumawa ng mahina. He's cute. Naka-dress shirt siya na kulay navy blue, bukas lahat ng butones at naka under shirt na puti. Bakit ang fresh niya pa rin kahit sinabi niya na may hangover siya dahil uminom sila ni Blake kagabi? At bakit kahit alam ko na may dinaramdam siya ay napakagwapo pa rin niya? Wala naman siyang ibang ginagawa pero gwapong-gwapo ako sa kaniya? Napakabango pa niya.
"You're gorgeous Czai. Always." Nakangisi niya na sabi at bahagyang itinaas ang sleeves ng dress ko.
Ngumuso ako at inayos din ang kwelyo ng damit niya. Bahagya kong pinagpag ang sa bandang balikat niya. "Ang gwapo mo naman. Ang bango mo pa. Kaya ba maraming nagkakandarapa sa iyo?"
He chuckled and shrugged his shoulders. "Obviously." He proudly answered. Bahagya pa niyang hinilahila ang damit sa kaniyang harapan na tila ba naiinitan. "Hot pa."
Napailing ako at tinanggap ang kamay niya nang ialok iyon sa akin. "Yabang.."
"May ipagmamayabang naman." Sagot pa niya at ipinalupot ang kaniyang braso sa beywang ko pagkatapos kuhanin ang bag ko sa tabi ng pintuan.
Bago kami lumabas ng gate ay humalik muna ako sa pisngi ni Mama.
"Mag-iingat ka. Salamat Czai." Nakangiting sabi ni Mama sa akin.
Ngumiti ako kay Mama at hinaplos ang kaniyang braso. "Pakisabi kay Papa bukas ako pwede Ma. Off ko naman bukas. Pagkauwi ko galing sa lakad namin."
Tumango siya at tumingin kina Damon. "Masaya ako na may mga kaibigan na si Czai at alam ko na mabubuti kayong lahat." Sincere na wika ni Mama at tumingin kay Damon. "Thank you Damon for taking care of Czai."
"Thank you din Po." Magalang na sagot ni Damon atsaka ako inakbayan. "Ako na po ang bahala kay Czai."
Napalingon ako kay Damon nang sabihin niya iyon. Bakit iba ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. At ang titigan nila ni Mama? Bakit feeling ko may bagay na sila lang ang nagkakaintindihan.
"Thank you Tita! Mauna na kami. Kami na ang bahala kay Czai." Paalam ni Miggy at binuksan ang pintuan ng van.
"Bye po!" Paalam din ni Nat at pumwesto na sa dulo.
"Mauna na kami Tita!" Paalam ni Blake na siya ang nasa driver's seat ngayon. Nasa tabi nito si Lee na tinanguan si Mama.
Isiniksik ni Miggy ang sarili sa tabi ng bintana sa dulo sa tabi ni Nat para daw kami ni Nat ang magtabi. Nakagitna kami ni Nat kay Damon at Miggy.
"Hi Raven!" Bati ko kay Raven na nasa likuran nina Blake at Lee. Nasa tabi nito si Ruass. May space pa sa pagitan nila kaya hindi naman sila ganoon kadikit. Nasa tabi ng bintana naka pwesto si Raven.
Hindi siya sumagot pero itinaas ang isang kamay para i-acknowledge ako.
"Wala sa mood." Bulong ni Nat sa akin.
Napakunot ang noo ko. "Bakit? May nangyari?"
Tumawa si Miggy atsaka umahon nang bahagya sa kinauupuan para makita si Raven.
"Ano'ng mangyayari ang sabihin mo Czai."
"Miguel. Shut-up." Saway ni Nat atsaka bumulong ulit sa akin. "Tumawag si Eli. Nagpapasundo na lang at sasabay daw sila."
