Tahimik lang ako hanggang makarating kami kina Lolo. Ilan lang sa mga apo ni Lolo ang pumunta sa bahay para salubungin kami. Well, hindi na ako magtataka dahil sa huling nangyari dito kaya ganoon. Nakaaway ni Damon ang iba sa kanila. Wala naman akong pakialam dahil alam ko naman na may sinasabi sila ng hindi maganda sa amin ni Mama.
Siguro ganoon talaga ang mundo.
You cannot please everybody.
Kung ayaw nila sa'yo, tanggapin mo na lang at magpatuloy ka. Wala naman nawala sa kanila noong hindi ka nila pinansin at wala rin naman mawawala sa iyo kung gagawin mo rin sa kanila iyon basta wala kang natatapakan na iba.
That's life anyway.
Kinausap ni Mama sina Lolo at Lola na huwag ng banggitin kay Steven si Damon. Naikwento na rin pala ni Mama ang dahilan kung bakit ako naaksidente at kung sino si Steven sa akin.
She settled everything bago kami makapunta rito dahil ayaw niya ng gulo. Ayoko rin ng gulo kaya mas mabuti na ang ganoon.
Wala na rin kaming dapat pag-usapan ni Damon dahil siya mismo ay tinapos na ang sa pagitan namin.
We chose to do what's right.
Dumiretso lang ako sa kwarto at doon sa kama umupo. Naihaplos ko ang aking kamay sa kama. Napangiti lang ako nang maalala ang araw na kasama ko si Damon dito.
Damn. I miss him.
Bumuntong hininga ako at pilit iwinaksi sa aking isipan si Damon. Sasaktan ko lang ang sarili kapag ganito ang ginawa ko.
"Okay ka naman hindi ba?"
Napalingon ako kay Zion na kakapasok lang ng kwarto.
Tumango ako at ngumiti.
Pumasok siya ng tuluyan at tumayo sa gilid ng bintana.
"Hey. Bakit itinatanong si Damon ng mga kababaihan sa labas?" Naitanong niya at lumingon sa akin.
Bigla ay nakaramdam ako ng kaba sa kaniyang itinanong.
"Galing na ba dito si Damon?" Seryoso niya na tanong. Humakbang siya papalapit sa akin. At nang makaupo siya sa harapan ko ay bigla siyang ngumiti. "Isinama mo ba siya rito noong hindi kami nakasama ni Zico ? Tell me what happened?"
She seemed so excited while giving me those puppy eyes.
Tumingin ako sa pintuan. Pinanlakihan ko siya ng mata at bahagyang hinila sa braso.
"Baka marinig ka ni Steven ano kaba." Bulong ko at muling tumingin sa pintuan.
Umiling siya at ngumiti ulit. "Nasa labas siya kaninang magtanong sila. So tototo nga? Nandito siya noong pumunta ka dito?"
Bahagya akong ngumiti atsaka tumango.
"Hala! Bakit 'di mo ako sinama? Nakakainis ka!" She whined that made me laugh a little.
"Ang ingay mo!" Saway ko sa kaniya at bahagyang humagikgik.
"Magkasama kayong natulog dito? Saan? Dito mismo?" Sunud-sunod niya na tanong at pinagpag ang kama.
Umiwas ako ng tingin at hindi siya binigyan ng sagot.
"Dito nga? Dito nga? Ano'ng nangyari—
Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kaliwang kamay ko.
"Ssshh! Ano ka ba? Ang ingay mo!" Halos pabulong ko lang na sabi habang nakatakip ang isang kamay ko sa kaniyang bibig.
Tumangu-tango siya at inalis ang aking kamay. "May nangyari ba? Huh?"