DamonWanna watch our gig tonight? At the club? I'll send you a free invitation if you want?
Damon
Gusto ka nilang makilala...
I mean, my friends...
Damon
And please, bring my jacket. That's a gift from my sister. She might get mad kapag hindi naibalik.
Kagat-kagat ko ang aking daliri habang nakatitig sa message sa akin ni Damon. Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa club. At araw-araw na niya akong tini-text ng paulit-ulit. Knowing him, hindi siya madaling sumuko. Never akong nag-reply sa mga messages niya. Pinipigilan ko ang aking sarili. Kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang sagutin at makita.
"Sabi na nga ba eh. Magkakilala talaga kayo ni Damon! Bakit ayaw mong ikwento sa akin!"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ko si Zion mula sa aking likuran. Itatago ko sana ang phone ko pero huli na. She saw Damon's message kaya siya nagwawala ngayon.
Umupo siya sa harapan ko at nag-puppy eyes pa habang nakatitig sa akin. " Niyayaya ka niya, bakit hindi ka pumayag? Magkaibigan naman kayo? Hindi ba iyon ang sinabi ni Tita?" Taas kilay niya na wika at inilapit ang mukha sa akin. "Mag-kaibigan hindi ba?" May halong malisya ang tono niya habang pakurap-kurap pa ang kaniyang mga mata.
Tumayo ako at ibinulsa ko ang phone ko. Nilingon ko siya at ngumisi. "Maniniwala ka ba kapag sinabi ko manliligaw ko siya noon?"
Natigilan siya at pagkatapos ay humagalpak ng tawa.
Ngumiwi ako atsaka siya inirapan. Wala talagang tiwala ang babaeng ito sa ganda ko. Hindi ba talaga kapani-paniwala?
Pinameywangan niya ako pagkatapos tumayo. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Umiling siya sabay irap din. "Hindi ikaw ang tipo ni Damon, naniniwala ako doon. Atsaka mahilig sina Damon sa mga seksi at may class na babae."
I looked at her with my eyebrows furrowed. "Are you telling me na wala akong class na babae? Grabi ka talaga sa akin. Matanda ako sa iyo dapat iginagalang mo ako. Sino kaya ang nahirapan sa iyo noong nalasing ka sa club?"
Lumapad ang nguti niya at ibinagsak ang katawan sa kama ko. She raised her hands on the air and chuckled. "Si Damon. Iyon ang sabi ni Tita sa akin." May halong kilig ang kaniyang tinig habang sinasabi iyon.
Nailing na lang ako. Nang tumunog ang phone ko at tignan ko iyon ay mensahe na naman ito mula kay Damon.
Damon
Hey. Puntahan na lang kita para malaman ko ang sagot mo?
Damon
What do you think?
Napalingon ako kay Zion na nakatitig lamang sa phone niya habang nakahiga sa kama. Naitikom ko ang aking mga labi at naglakad palabas ng aking kwarto. Huminto ako sa tabi ng pintuan at muling sinilip si Zion. Busy pa rin siya kaya naman naisipan ko na na mag-reply kay Damon.
Me
Are you blackmailing me?
Damon
I need my jacket.
Me
Ipapahatid ko na lang sa club.
![](https://img.wattpad.com/cover/250239915-288-k671196.jpg)