17

12 1 0
                                    

Pagbaba namin ng van ay tumatakbo si Zion papalapit sa akin galing sa sa tabi ng pool. Naka-maiksing sundress ito na floral at isinasama ng hangin ang laylayan nito ay wala itong pakialam kung makitaan man siya dahil sa iksi nh dress niya.

Paglapit niya sa akin ay yumakap siya at itinuro si Damon na naka light blue na y-neck shirt at naka-puting shorts lamang. Katabi nito si Zico na nakahalukipkip at nakatitig lang sa pool.

"He followed me back on my IG. Dinumog ang ng mga fans ang IG ko." Anunsiyo niya atsaka humagikgik.

"Bakit kaba pumayag?" Tanong ko sa kaniya.

Lumabi siya at ngumiti ng pagkalapad-lapad. "Matatanggihan ko ba si Damon?"

"Tss. Buti sumama si Zico?" Muli ay tanong ko at tumingin kay Zico.

Nakatitig ito sa amin at nakaismid.

"Para kay Steven daw. Zico thinks na inaagaw ka talaga ni Damon kay Steven." Nakataas-kilay niya na sagot sa akin. "Well, I'm not bothered at all. Naniniwala ako na hindi mo naman gagawin iyon. You and Damon are just friends right?"

Umiwas ako ng tingin atsaka tumango.

"Hi Zion!"

Nanlaki ang mga mata ni Zion nang makita si Miggy na tumawag sa kaniya.

Napatalon siya at tumakbo papalapit kay Miggy.

"Miggy!" Sambit niya.

Nang tignan ko sila ay kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay ni Zion kay Nat na nakatayo sa tabi ni Miggy.

Nang mapansin iyon ni Nat ay nginitian lang siya nito at nag-flipped ng mahaba nitong buhok. Nagulat si Zion at inirapan si Nat.

"Sino siya?" Tanong ni Zion at pinasadahan ng tingin si Nat mula ulo hanggang paa.

"Bestfriend ko." Nakangiting sagot ni Miggy atsaka inakbayan si Zion. "Ilang taon ka nga ba ulit?" Tanong ni Miggy kay Zion habang nakatitig kay Nat at nakangisi.

"Twenty..." kinikilig na sagot naman ni Zion.

Napailing ako sa kaharutan niya.

"Tss." Nat uttered and walked towards me.

Inakbayan niya ako at nilingon sina Miggy. "Sorry Czai. Hindi ako natutuwa sa pinsan mo." Pranka niya na sabi sa akin.

"Pasensiya kana kay Zion. Medyo bata pa kaya ganoon." Hingi ko ng paumanhin.

"Yeah. Bata pa. Mga tipo ni Miggy." Pagkasabi niya ng mga iyon ay hinila na niya ako papasok.

Narinig ko pa na tumili si Zion at isinigaw ang pangalan ni Eli. Nakita na siguro niya ito.

Nang makasalubong namin si Damon ay binitawan ako ni Nat at nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng mismong bahay ng resort.

Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya ng pagkaganda-ganda sa akin.

"Hi Czai." Bati niya at naglakad papalapit sa akin.

"Hey." Matipid ko na sagot at iniiwas ang aking paningin.

Kinakabahan na naman ako na parang tanga.

"Hindi na kita nasundo dahil pinuntahan ko ang kambal." He explained.

"Okay lang. Hindi mo na sana kami isinama dito."

"Nandito kana nga hindi ba?"

Napatingin ako sa kaniya. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang mapupulang mga labi habang nakatitig sa akin.

"Kasi wala naman akong choice." Nakaismid ko na tugon.

He smirked at me and looked away. "No. There is always a choice. At kung nasaan ka man ngayon, choice mo iyon."

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now