Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na unti-unti nang nababawasan ang mga guests namin sa dining area na kaninang eksaktong alas-dose ay punung-puno talaga. Kung nakakapagod kahapon, mas nakakapagod ngayon dahil maging si Sir Neal ay tumutulong na rin sa mga members sa pag-aasikaso. Siya na mismo ang nag-asikaso dahil ako ay naka-focus sa mga mismong guests na pumapasok.
Kaya naman ang ngiti niya kanina sa dining area ay siyang kunot ng noo niya ngayon.
"Mas mahirap pa na asikasuhin ang mga members kaysa sa mga guests natin. Napaka-demanding nila at napakakulit. Tss hindi man lang nila binibigyan ng konsiderasiyon na isa ako sa kanila." Reklamo ni Sir Neal habang nakatayo sa tabi ko. Nakapamulsa siya at nakatitig sa iilang club members na naka dine-in pa rin.
"Neal, pasuyo naman kami ng tubig—
"May mga dining attendant kami bakit ako pa ang tinatawag mo? Gusto mo na ipa-ban kita sa RE cafe?" Hindi napigilan na putol ni Sir Neal sa utos nina Jarviz.
"VIP kami dito kaya dapat—
"Nananamantala kana." Muli ay sabi ni Sir Neal sa idadahilan pa ni Jarviz atsaka tinawag ang isa sa mga dining attendant namin pero ako na lang din ang lumapit. Medyo uminit ang ulo ni Sir Neal dahil napagod siya. At para sa akin tama naman si Jarviz though medyo halata naman na iniinis lang talaga si Sir Neal. May pagkamainitin lang din ang ulo ni Sir Neal kahit nakikita mo siya na laging nakangiti sa mga guests. Kung tutuusin ay hindi naman dapat siya tumutulong sa amin.
Pagkatapos na asikasuhin ang ilang members ng club ay pinag-break na ako ni Sir Neal dahil dumating na si Ma'am Lianne.
Palabas na ako ng RE Cafe ng makita kong papasok naman sina Miggy. Kaya sigurado ako na kasama nila si Damon na pinuno na ata ang inbox ko sa mga messages gamit ang bagong number niya simula kaninang madaling araw.
Nagpasya ako na dumaan na lang sa likod. Ayoko siyang makita dahil naiinis ako sa kaniya. Nasaktan kaya ako doon sa message na na-receive ko kagabi. Ang sabi niya sa akin, ako lang. At hindi na siya gagawa ng ganoon. So ano iyon? Ipinapahiya niya ako.
Pagbukas ko ng pintuan sa daan sa likod ay napaamang ako nang makita na nandoon si Damon at mukhang ako talaga ang kaniyang hinihintay.
Mukhang galing ito sa trabaho dahil naka-executive attire pa siya. At bagay na bagay sa kaniya ito. Naka-black blazer ito at naka-puting dress shirt sa loob na naka bukas ang dalawang butones sa itaas. Nakatitig siya sa akin habang nasa likod ang isang kamay.
Ngumisi siya nang akmang hahakbang ako palabas. Mabilis niyang naiharang ang kaniyang katawan.
"Believe it or not. Wala akong alam sa sinasabing message ni Nianna sa iyo kagabi. Galing kami ni Mom kina Nianna to visit her Mom. Dumiretso ako sa welcoming party ng mga empleyado para sa akin at gabi na ng matapos iyon ." He explained.
Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Oh tapos?"
"I admit. Nasobrahan ako sa pag-inom at hindi kita naalala na tawagan man lang. Kaya hindi ko naalala ang phone ko. Nang makauwi ako ay lasing na talaga ako at nakatulog na sa bahay. Kaya imposible na kasama ko si Nianna kagabi." He added and shrugged his shoulders. "I don't know why she fucking knows my password. But I swear, I didn't sleep with her. Until now, I don't have my phone." Inilabas niya ang bagong phone niya at iniharap sa akin. "See. Nagbukas lang ako ng IG ko kaninang madaling araw kaya nabasa ko ang message ni Nat sa akin. At doon ko lang din nalaman na wala ang phone ko sa akin."
Tumaas lalo ang kilay ko. Ayokong maniwala pero sinasabi ng puso ko na nagsasabi siya ng totoo. Napakadali para sa kaniya na hulihin ang aking puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/250239915-288-k671196.jpg)