5

12 2 0
                                    


"Are you there staying for good sweety?"

Iyon ang tanong ni Steven habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kwarto. Iniipit ko ang buhok ko sa likod ng aking tenga at tumingin sa monitor ng aking laptop.

"No honey. Si mama lang."

Muli ay ibinalik ko ang aking paningin sa bagahe at inilabas and ilang gamit doon.

"I'll be there next month. Sasama ka ba pabalik sa akin after?"

Muli ay tumingin ako sa kaniya atsaka ngumiti.

"Yeah. Of course. Kailangan ko pa rin magtrabaho para sa amin ni Mama."

"I told you, you dont have to. Kaya ko naman kahit ako lang—

"Kaya mo ba na wala ako dyan? Taas kilay ko na tanong sa kaniya."

He chuckled and smirked at me. Lalo siyang gumandang lalake sa ngisi niyang iyon. This man used to be a playboy before we met. I just met him doon sa party kung saan ako isinama ni Tita Fiona. Hindi ko siya gusto noong una dahil hindi ako sanay sa mga presko at maingay na lalakeng katulad niya. I just used to be with the man who is a serene, nice, and down to earth person.

"Hmmm. You know I can't live without you, though I know that you can live without me."

I rolled my eyes as I sat on the bed and focused my eyes on him. "Really? Ganoon talaga ang iniisip mo?"

"Well, ganoon kitang nakikala. You can live your life the way you want it to be. And that scares me sometimes. Iyong tipo na kaya mo, kahit wala ako."

Medyo bumaba ang boses niya sa kaniyang mga sinabi. I love Steven. Pero alam niya rin na mahal ko rin ang sarili ko. At gagawin ko ang lahat hindi lang ulit ako mabasag katulad ng nangyari sa amin ni Mama noon. I'm protecting myself because I want to take good care of my Mother. Pagkatapos nitong bitawan ang lahat noon para sa ikabubuti ko ay doon ko mas lalong na-realized kung bakit ako nabubuhay kasama siya. My father hurt my Mother. Physically, mentally and emotionally. She did save me bago masira ang buhay ko. At hinding-hindi ko mapapatawad ang aking ama dahil doon.

"I love you. Alam mo iyan." Wika ko ng buong puso sa kaniya.

He nodded and sighed. "You know that I'll do anything for you."

Tumango rin ako sa kaniyang sinabi. Pilipino si Steven katulad ng kaniyang mga magulang. Kaibigan ni Tita Fiona, kapatid ni Mama from New York na tumulong sa amin na makabangon. Pabalik-balik na lang sila ng Pinas at New York during vacation kapag sinipag sila. Simula nang payagan ko siyang ligawan ako ay unti-unti siyang nagbago. Nabawasan na ang mga bisyo niya at siyempre nawala na ang pagiging playboy niya. I hope so. Pero never naman namin pinag-awayan ang mga babae. He told me na baka ako pa daw ang manlalake. Dahil hindi na daw niya kayang tumingin pa sa iba. Kaya naman lahat ng pamilya niya lalo na ang ate niya ay Stacey niya ay gustung-gusto ako.

"Osige na. Tutulungan ko lang si Mama sa baba. I'll call you later." Paalam ko at kumindat pa sa kaniya.

"I'll wait. Take care, I love you." He chortled with sweetness.

"I love you too." Malambing ko rin na sagot atsaka na siya nawala sa screen ng laptop ko.

May business kami ni Steven sa New York. Though halos siya ang gumastos doon. Kaya hindi rin ako puwedeng magtagal dito. Uuwi siya dito next month para makapasyal na rin sa lugar nila. Then sasabay na akong babalik sa New York sa kaniya. Mas pinili ni Mama na manatili na muna sa Pinas para makapagpahinga. Gusto niya rin dumalaw kina sa kaniyang probinsiya para bisitahin sina Lolo at Lola. Hindi kasi makauwi sina Tita Fiona. Pumayag ako dahil alam ko na hindi na siya magugulo ng ama ko dahil wala na rin kaming balita sa kaniya.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now