10

13 1 0
                                    


Hindi ko tinapos ang kanta ni Damon at nag-decide ako na pumasok na sa loob. Baka ano ang isipin ng mga nandoon. Lalo na at alam na ng iba na may nobyo ako.

Sa sala ako pumwesto at doon inilabas ang phone ko. Eksakto naman ang pagtawag ni Steven kaya kaagad ko iyon sinagot. Para ipaalala sa sarili ko na may nobyo ako at hindi dapat ine-entertain ang umuusbong ng damdamin ko para kay Damon. It's just not so right.

Nang makita mo ang mukha ni Steven sa screen ng aking phone ay ngiti kaagad niya ang sumalubong sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kaniya at kumaway.

"Hey.. I missed you. Masyado ka atang busy?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman. Tumulong lang ako kina Lola."

"We'll visit them pagdating ko. Para ma-meet ko rin sila..." aniya.

"Y-Yeah. Of course. Siguradong matutuwa sila na makita ka." Nautal ko pa na sabi nang makitang pumasok si Damon at may dalang pagkain sa plato. Napahinto siya nang makita ako at ngumiti. Uniwas ako ng tingin. At muling binalikan si Steven.

"Tayo na lang ang maghahatid kay Tita diyan bago tayo bumalik ng New York." Suhustiyon pa niya sa akin.

"Yeah. That's a good idea." I agreed.

Nang sulyapan ko si Damon ay nakasandal lamang ito malapit sa pintuan. Itinaas nito ang hawak na plato sa akin.

"I'll call you again hon. May kausap lang ako. Don't you worry malapit na akong makapunta diyan. Nami-miss na rin kasi kita. I love you."

Nang marinig ko iyon ay tumingin ako kay Stevem at kumaway.

"I love you. I miss you." Malambing na bigkas ni Steven.

"I—I love you too. Take care."

Pag-angat ko ng tingin kay Damon ay blanko na ang kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. He didn't say anything. He walked towards me and placed the plate with a sliced of cake on the table. May dala rin siyang soda na ipinatong din sa tabi ng plato.

"Ipinabibigay ni Lola. Hindi ka kasi lumalabas." Pormal niya na turan atsaka na naglakad pabalik sa labas.

Seryoso? Ako talaga ang dinalhan ng pagkain? Ako itong kamag-anak. Ganoon ba siya ka-komportable sa kanila....

Pagkatapos kong kumain ay nagpaka-busy ako sa loob sa pagtulong sa paglilinis ng mga plato. Maingay na sa labas at panay ang hiyaw kapag kumakanta si Damon. Nag-concert talaga ang loko.

"Magpahinga kana Czai. Puntahan mo muna kaya iyong kaibigan mo?Sa  kakakulit ng mga pinsan mo doon mukhang naparami na ang inom. Pulang-pula na ang mukha."

Natigilan ako sa paghuhugas ng plato nang marinig iyon.

"Sige na. Puntahan mo muna." Inagaw sa akin ng Tita ko ang hugasin.

Tumango ako at nagpunas na ng kamay.

Paglabas ko ng pintuan ay kitang-kita ko kung paano na lapitan ng ilang kababaihan si Damon at may pahawak-hawak pa sa kaniyang braso. Hindi ko kilala ang iba kaya medyo kumunot ang noo ko. Alas-kwatro pa lang ng hapon pero mukhang tinamaan na ng espirito ng alak si Damon.

Uuwi pa kami, alam naman niya iyon bakit ba niya pinatulan ang mga pinsan ko.

Atsaka bakit hinahayaan niya na hawak-hawakan siya ng ganoon.

Ako nga hindi ko siya mahawakan ng ganoon na lang.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa inis.

Humakbang ako papalapit sa kanila. Paglapit ko ay kinalabit ko siya sa balikat habang busy siya na kausap at kakwentuhan ang mga kababaihan na sa tingin ko ay tiga dito lang din.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now