33

14 0 0
                                    

Moving on doesn't mean that we need to forget everything. It's just that we have to accept what happened and then continue living without any regrets. Mga pagsisisi na kahit ano'ng gawin mo ay hindi mo na mababalikan. Lalo na ang mga pagkakamali na nagawa mo na, pero maaari mo naman itama habang nabubuhay kapa.

Mabigat sa loob ko na umalis dahil napamahal na sa akin ang club at halos dito umikot ang mundo ko pagkabalik ko ng Pinas. Dito nabuo ang pagkakaibigan namin nina Nat pati na ang iba pa na hanggang ngayon ay nakatatak sa isip at puso ko. Hindi lang ito natatawag na paraiso dahil sa kagandahan ng lugar. Kung hindi ang mga taong nandito mismo. Mga taong sila mismo ang nagbibigay liwanag at saya sa club. Magkaiba-iba man ang mga ugali at pananaw nila sa buhay na ginagalawan nila sa mundong ito, hindi pa rin mawawala sa kanila ang salitang pagkakaibigan. I just love this people the way I love this club.


"So ito na nga. Aalis ka na nga." Mahinang sabi ni Nat habang nakaupo siya sa harapan ko kasama si Frances. Kasama rin namin si Raven pero sa tabi ko ito nakaupo. Wala pa sina Miggy dahil may gig sila sa club at hindi na kami pumunta kaya namomroblema itong si Frances dahil nang sabihin nito kay Eli na hindi ito makakapunta sa club dahil nandito na nga kami sa bahay medyo tinopak ata si Eli.

"Yeah." Nakangiti ko na sagot at itinaas ang wineglass na hawak ko.

Nat groaned and rolled her eyes. "I hate goodbyes."

"Me too." Sabi ni Frances.

"Mami-miss ka namin." Ani Raven at ngumiti sa akin. Sumama si Raven dahil pinilit ko lang. Ayoko naman na siya lang ang wala.

Itataas na sana nila ang mga wineglass nila para sa toast na gagawin namin nang biglang may sumigaw!

"We're here!"

Napalingon kami sa kakadating lang na si Miggy kasama ang buong member banda siyempre. I mean, maliban kay Damon. Wala siya. Pero nakabalik na siya sa banda at tumutugtog na ulit. Kaya lalong naging maingay ang banda nila ngayon sa bansa. Hindi sila kumukupas.

Nang makalapit sila ay inilapag nila sa mesa ang mga dala nilang pagkain pati na rin ang ilang bote ng wine na bitbit ni Blake.

Lumapit sina Blake at Miggy sa akin atsaka nakipag-high five. Si Lee naman ay tinanguan ako at itinaas ang hawak na wine din. Lumapit naman si Eli sa amin at inilapag sa mesa ang dalang paper bag pagkatapos nitong haplusin ang buhok ni Frances nang madaanan ito. Mukhang okay na ata sila.

"Oh kumain na kaya muna kayo sa loob? Baka lumamig iyong niluto namin para sa inyo." Aya ni Mama na kakalabas lang sa veranda.

"Hi Tita!" Bati ng mga kakadating lang.

Nadatnan din nila si Papa sa loob nang makapasok sila. Binati rin nila ito pati na sina Lolo at Lola. Okay naman kami ni Papa kahit papaano ay nag-uusap na kami. Minsan ay dito siya natutulog kaya nandito rin siya ngayon ay niyaya siya ni Mama na okay lang naman sa akin.

"Teka? Bakit wala si Damon?" Iyon ang tanong ni Lola na nagpatahimik sa aming lahat. "Hindi siya pupunta? Aba, hindi man lang ba siya magpapaalam sa apo ko?"

Napangiwi ako at inakbayan si Lola. "Busy pa siya La. Kaya baka hindi siya makapunta."

"Gusto ko pa man din siyang makita." Bulong ni Lola atsaka tumingin kina Miggy. "Ano ba iyan hija. Bakit walang pangit sa mga kasama mo?"

Natawa si Miggy atsaka lumapit kay Lolo. "Parang si Lolo?" Inakbayan pa ito kaya natuwa lalo si Lolo.

"Talaga ba hijo?" Natutuwang tanong pa ni Lolo.

Nag-thumbs up si Miggy atsaka humagikgik. Natawa nalang kami sa kanila at sa pambobola ni Miggy.

Habang kumakain kami ay tumutulong ako sa pag-aasikaso pa rin sa kanila. Maging si Papa ay tumutulong din.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now