Bumuhos ang ulan pagdating namin sa bahay nina Lolo. Kaya naman hindi muna pinaalis nina Lolo at Lola si Damon. Pinagkamalan pa siya na aking kasintahan na kaagad ko naman itinama dahil mukhang walang balak si Damon na itama iyon.
May mga teenager na kababaihan na apo ng kapatid ni Lolo Greg ang nakakilala kay Damon kaya naman may mag humingi ng autograph at nakipag-selfie pa sa kaniya na hindi naman niya ipinagkaitan.
Hanggang sa umabot ang gabi at hindi tumitila ang ulan.
Ang galing lang talaga.
Nanadya ba ang langit?
Kung kailan nandito si Damon doon pa umulan? At ayaw tumigil ah?
Kaya naman ang nangyari ay hindi na siya pinauwi nina Lolo at Lola. Na hindi ko na natanggihan dahil medyo pangit ang daan pabalik at ayoko naman na mapahamak siya.
"Magpapahinga na kami ng Lolo mo Czaira. Magpahinga na kayo. Ikaw na ang bahala na mag-asikaso sa nobyo mo."
Napabuntong-hininga ako sa tinuran ni Lola bago pumasok ng kwarto nila. Bakit ba nila pinipilit na kasintahan ko si Damon.
Bumalik ako sa sala at doon nagpatuloy sa panonood. Si Damon naman ay kasalukuyan na naliligo. Nauna na akong naligo sa kaniya kanina. Napakalamig pa naman at malakas ang ulan.
Tumayo ako at sumilip sa bintana. Napakalakas pa rin ng ulan. Wala naman bagyo bakit hindi ito mahinto-hinto.
"Nakita mo ba kung saan ko naiwan ang shirt ko na bitbit kanina Czai?"
Isinara ko ang bintana nang marinig ang boses ni Damon.
"Nandiyan lang sa upuan—
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil pagharap ko ay ang topless lang naman ang nasa harapan ko.
Naka-sweat short na siya habang pinupunasan ang buhok gamit ang maliit na towel.
Naglakad siya papalapit sa upuan para kuhanin ang shirt niya doon. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang magandang built ng katawan niya.
From his broad, rock-hard shoulder, naked massive chest, those triceps, and biceps that flex when he moves. Down to his....
Nag-init ang mukha ko at umiwas ng tingin bago pa kung saan mapako ang aking paningin.
"May isang kwarto na lang dito Czai. So doon tayo?"
Napasinghap ako nang marinig ko iyon. Hinarap ko siya at nilapitan. Nakasuot na ang shirt niya pero nasa isipan ko pa rin ang bawat detalyang nakita ko kanina. Hindi ako gaanong lumapit dahil baka kung ano na naman ang maisip ko at matulala na naman.
"Tayo? Tayo?" Magkasunod ko na sambit at iniiwasan ang mga titig niya. Dahil sa amoy na nalalanghap ko mula sa bagong ligong katulad niya ay para akong hirap magsalita.
"Yeah. Tayo." He answered without any hesitation as he pointed himself at sa akin pagkatapos. " Hindi ko kayang matulog dito sa sala. Malamok eh." Sagot niya kunwari ay nanghuhuli pa ng mga lamok.
Umiling ako at humakbang na papalapit sa pintuan ng kwarto malapit sa sala pero bago pa ako makalampas sa kaniya ay nahawak niya ako braso. Hinila niya ako pabalik sa harapan niya.
"Hahayaan mo akong matulog dito sa sala? Seryoso?"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at binawi ang aking braso mula sa pagkakahawan niya. "Para atang nabagok ang ulo mo noong wala ako Damon. Para kang nasisiraan? Bakit ako matutulog kasama mo sa iisang kwarto?"
He laughed sarcastically and shrugged. "Bakit? Ano ba ang gagawin natin? Matutulog lang naman tayo ah? Ano ba ang iniisip mo na gagawin natin kung matulog man tayo ng magkasama diyan." Atsaka niya itinuro ang kwarto malapit sa amin.
