Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog. Malalim na ang gabi at malakas ang ulan pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko at hindi mawala sa isipan ko ang galit na mukha ni Damon kanina. May kaba na nabuhay at pag-aalala sa aking dibdib.
Iniisip ko si Damon, at hindi rin mawala sa isipan ko si Steven. Natatakot ako na hindi ko malaman para sa dalawa.
Bakit ba hindi mawalawala ang problemang ito?
Bakit kailangan na problemahin ko sila pareho?
Kung mahal talaga nila ako, bakit nila ako binibigyan ng ganitong iniisip.
Hindi talaga ako mapakali kaya tumayo ako mula sa kama atsaka kinuha ang phone ko.
Doon ko nakita ang mga message ni Steven sa akin.
Steven
I miss you.
Steven
I really miss you.
Steven
For me, life is nothing without you.
Bakit kailangan mangyari ito? Am I not enough? May nagawa ba ako? Minahal mo ba ako? Bakit ganoon na lang kabilis na nawala Czai? Bakit?
Steven
I love you so much kaya ako nakakagawa ng mga bagay na hindi ko nais. And I'm sorry for hurting you like that. I'm sorry...
Hindi ko napigilan na mapaluha habang binabasa ang mga mensahe niya sa akin. I don't know why. Pero bigla nalang akong naiyak.
Bakit kailangan mangyari ito? Hindi ko rin alam.
Is he not enough? He's more than enough. Ako ang nagkulang.
May nagawa ba siya? Wala. Ako ang may nagawa. Ako ang nagkasala.
Minahal ko ba siya? Damn. Of course. Minahal ko siya pero ako nga ang nagkulang. Hindi ko naibigay ng buung-buo ang puso ko. Dahil sa kabila ng mga nangyari at sa tagal namin na hindi nagkikita ni Damon. Hindi ko rin alam na may puwang pa pala siya sa aking puso. At muli iyon nabuhay ng makita at makasama ko siya. Posible ba iyon? Posible dahil nararanasan ko.
Napahagulgol ako habang yakap ko ang aking unan at paulit-ulit sa isipan ko ang mga mensahe sa akin ni Steven.
Walang patid ang mga luha ko habang nakayakap sa aking unan.
Bakit ganoon? Parang ang bigat naman nito sa dibdib? Hindi ko mapigilan na maging emosyonal.
Napaahon ako mula sa kama nang marinig ang phone ko na tumunog.
Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag pero sobrang lakas ng tibok ng aking puso.
Dahan-dahan ang ginawa ko na pagkuha sa phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
Damon...
My hands are both shuddering when I answered the phone. Napatitig ako sa bintana sa labas. Malakas pa rin ang ulan habang sumasabay pa ang malakas na kidlat.
"H—Hello? Damon.."
"G—Gusto ko lang siyang makausap Czai... Gusto ko lang siyang kausapin..."
Kahit malakas ang ulan sa kung nasaan man si Damon ngayon ay dinig na dinig ko ang takot at nginig sa boses niya. And that made my heart beat faster and louder. I couldn't even speak.
"H—He was driving so fast kaya hinabol ko siya. Hindi ko alam pero napakabilis ng pangyayari. Hindi ko naman balak na... Czai.." hindi niya naituloy ang sasabihin. Bumigay na siya at narinig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya.