30

14 0 0
                                    



"She passed out when she heard about the news. Damon, pinagkakaguluhan kana naman sa social media. Na nag-uuwi ka ng babae sa condo mo. For Pete's sake what's wrong with you? Gusto mo ba na mamatay si Mom?"

Iyon ang salubong sa akin ni Ate Dionne pagkakita niya sa akin bago pa ako pumasok sa loob ng silid ni Mommy sa ospital.

"Hindi ko gusto ang nangyari kay Mom okay. Nandito ako para kausapin siya—

"Not now." Madiin na putol ni Ate atsaka itinuro ang pintuan. "Nasa loob si Dad pati na ang mga magulang ni Nianna. Nasa loob din si Nianna. Including Dawn. So please, huwag ngayon."

I sighed and shook my head. "Babalik na lang ako mamaya. Call me kapag umalis na sila."

"Damon!"

"Ate. Kung ikaw okay lang sa iyo na maging sunud-sunuran kina Dad. Ibahin mo ako. Ayokong maging duwag katulad mo na hindi man lang sinubukan ipaglaban ang taong mahal mo." Seryoso ko na wika at kailangan ko itong sabihin para malaman niya kung ano ang pagkakamali din niya kung bakit ganiyan ang kalagayan niya ngayon.

Natigilan siya at napaiwas ng tingin sa akin.

"I'm sorry pero iyon ang nakikita ko. You let your daughter suffered because you're a coward. Mas pinili mo na tanggapin na isa kang failure sa pamilyang ito. Sana man lang ipinaglaban mo si Kuya. Hinayaan mo na ilayo si Dawn sa kaniyang sariling ama." Dagdag at hinaplos sa braso si Ate. "Don't be like our Mom. Huwag mong isipin na hindi kayo magiging okay kung wala sina Dad. I know Kuya Gavin will do anything para sa inyo. Hindi na lang ito tungkol sa iyo. Tungkol ito sa kaligayahan ni Dawn."

Nang tignan ako ni Ate ay punung-puno ng mga luha ang kaniyang mga mata. Pigil niya ang sarili na huwag mapaluha pero hindi siya nagtagumpay.

"Akala ko ako ang matapang pagdating sa atin dalawa. Pero ang totoo, ako ang mahina. Dahil takot ako kay Dad. Takot kay Mom. Takot ako na mawala lahat sa akin. Hindi ko kaya Damon. You can judge me kahit kailan mo gusto. Pero hindi ko kayang mawala ang lahat ng iyo kay Dawn—

"Ganiyan ka na lang habang buhay kung ganoon. Hindi naman marangyang buhay ang kailangan ni Dawn. Hindi ninyo iyon nakikita? Pamilya. Iyon ang gusto ni Dawn." Buntong-hininga ko na sagot at tinalikuran na siya.

Narinig ko ang paghagulgol ni ate nang maglakad na ako papalayo.

I don't have the right to judge her about the decisions that she made. I want her to realize that she needs to decide not only for herself, but for Dawn. It was a mistake that she let our father decides what path she needs to take. Kaya siya ganito ay dahil hinayaan siyang hawakan siya sa leeg ni Dad. Kaya nahihirapan siyang pakawalan lahat.

Dahil kung ako ang tatanungin, kaya ko na bitawan lahat para kay Czai. Hindi dahil hindi ko mahal ang pamilya ko, kung hindi dahil ayokong maging ganoong buhay ang mamumulatan ng mga magiging anak ko.

Nang pumasok ako sa silid kung nasaan sina Mom at Dad matapos akong tawagan ni Ate na wala na sina Nianna ay kaagad napako ang tingin ni Mom sa akin.

Pagsara ko ng pintuan ay tumakbo si Dawn papalapit sa akin. Yumakap siya sa akin at hinaplos ko naman ang kaniyang buhok.

"Lola is sick." She muttered. Tumingin siya sa direksiyon ni Mommy na matalim ang titig sa akin.

"Yeah." Tumingin ako kay Ate at sinenyasan na ilabas muna si Dawn.

"Dawn let's go. Samahan mo si Mommy. May bibilhin lang ako sa labas." Aya ni Ate kay Dawn. Hinalikan ko sa pisngi si Dawn bago sila lumabas ni Ate.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now