Sa tuwing nakaka-videocall ko sina Nat ay palagi naman wala si Damon pero okay lang. Kahit ang totoo nitong mga nakaraang araw ay hindi iniiwan ni Damon ang aking isipin. Mag-iisang buwan na ako rito pero palagi pa rin akong dinadalaw ng mga aalaala ni Damon sa magkasama kami. Maging si Steven. At dahil miss ko na rin sina Nat ay madalas ko rin silang mapanaginipan. Wala pa talaga akong balak na umuwi sana. Pero nang malaman ko na uuwi na sina Tita Fiona kasama ang kambal sa Pinas ay bigla akong nakapag-isip na umuwi na lang din. Mas nalulungkot kasi ako ngayon. Dati kasi wala naman akong naiwanan sa Pinas kung hindi si Damon lamang. Ngayon kasi ang dami kong nami-miss. At nakaka-homesick ito ng sobra.
I'm always craving for Damon's calming voice. His warm embrace and even his sweet kisses that melt my knees. I just miss everything about him. Iyong feeling na kahit ano'ng kanta bagay sa sitwasiyon ko. I am still inlove with him and I'm certain about it. My heart, it's still beats for him, longing for his love. I couldn't imagine him with some other woman. Parang nadudurog ako mg paulit-ulit sa tuwing naiisip ko na magpapakasal sila ni Nianna. Pero pinipilit ko itong tanggapin.
May mga gabi na umiiyak lang ako dahil sa nami-miss ko ang lahat. Pati na ang pamilya ko sa Pinas. Doon sa mga larawan ma ibinigay sa akin nina Frances ako nakakakuha ng saya kahit papaano.
At totoo, hindi nila ako kinalimutan. May mga araw na sila pa ang tatawag sa akin. Katulad ngayon.
Nasa screen ang magandang mukha ni Nat katabi si Miggy. Nasa likuran nila si Blake at hinila pa si Lee para maisama sa screen.
"Hi Czai! We miss you so much!" Masiglang bati ni Nat at kumaway sa amin. Katabi ko si Zion at kinikilig habang nakikita si Miggy sa screen ay nagkakawayan sila. "Look, nasa club kami." Tumayo si Nat at ipinakita sa akin ang nasa paligid. Kumaway ang ibang club members na nandoon maging sina Ma'am Lianne at Sir Noah. Napangiti ako nang makita ulit ang RE Cafe. Damn. I miss that place so bad.
"Teka! Teka! Tama ba iyong nakita ko?" Tanong ni Zion at tumingin sa akin. "May babaeng kasama si Eli. Paki balik nga?" Sabi niya kay Nat.
Ngumisi si Nat atsaka muling iniharap ang camera kina Eli at Frances. Eksaktong magkatabing nakaupo ang dalawa at nakapatong ang isang braso ni Eli sa likuran ng upuan ni Frances habang nilalaro ang buhok nito. Magkausap ang dalawa habang nakangiti si Frances.
"My gosh! Sino iyan!" Gigil na wika ni Zion. Muling mukha nina Nat ang aming nakita sa screen.
"Dine-date ni Eli iyan. Ang ganda no." Pang-aasar ni Nat habang nakangisi kay Zion.
"Dine-date!" Tinignan ako ni Zion at kumunot ang noo. Parang sinasabi na hindi ko iyon nabanggit.
I winced at her. "Akala ko kasi kay Miggy ka interesado talaga. Wala naman akong maikwento maliban sa maraming girlfriend si Miggy at ipinagsasabay-sabay iyon—
"Czaira!" Natatawang putol ni Miggy sa mga saaabihin ko.
"Totoo naman." Asik ni Nat atsaka hinila-hila ang tenga ni Miggy.
"Ouch!! Ano ba!"
Tumayo si Zion at iritado na umiling. "Hindi ko ito matatanggap! Bakit hindi niya ako hinintay na bumalik! Ilang araw na lang naman!" She ranted.
"Kahit naman walang dine-date iyon pagbalik mo, siguradong hindi ka papatulan." Wika ni Zico sa tabi ko at dumungaw para makita ang mga kausap namin. "Where's Damon?"
Natigilan kami sa tanong niya.
"Actually naka-leave si Damon. Pangalawang araw na niyang wala. Nasa Hongkong? I don't know. Basta ang alam ko kasama ang buong pamilya niya." Ani Blake habang nakaakbay kay Lee.