Chapter 6
"Hi, it's been a very long time. Czaira."
Parang umurong dila ko at wala akong masabi na kahit ano habang nakatitig ako sa kaniya. I was mesmerized by his sundden presence. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko habang titig na titig siya sa akin na tila ba pinag-aaralan ang aking mukha. Naiyakap ko ang aking mga braso sa aking sarili dahil sa hangin na dumadampi sa aking balat na nahahantad dahil sa ipinasuot sa akin ni Zion na nabaliw na sa alak.
Kailangan ko tuloy harapin si Damon ngayon.
Tumingin siya kay Zion na nakaupo pa rin at kinarir ang paghila ng mga damo doon. Tapos muli niya akong binalikan niya ako ng tingin.
"Need some help?" Muli ay tanong niya at humakbang papalapit pa sa amin.
Napahakbang ako paatras at pilit inabot si Zion sa braso atsaka itinayo.
Pero ayaw magpahawak ni Zion at nagbubugnot na parang bata.
"She's drunk ah." Komento niya at nanatiling nakatayo sa harapan malapit sa amin.
Umiwas ako ng tingin atsaka marahan na tumango. "Uuwi na rin kami." Matipid ko na tugon at pinilit na itinayo si Zion para makaalis na kami. Kahit bigat na bigat ako ay pilit kong hinila si Zion para makalayo sa kaniya.
"Hey. I insist. Puwede ko naman kayong ihatid sa sasakyan ninyo sa labas—
"It's fine Damon—
"Kilala mo pa pala ako?"
Napahinto ako sa paghakbang at hindi napigilan na bahagyang lumingon sa kaniya.
May kung ano sa kaniyang titig sa akin. Titig na may pagkadismaya.
"Y—Yeah." I stuttered. Pagkatapos ay muli akong humakbang.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa amin kaya binilisan ko pa ang aking paglakad pero dahil may bitbit akong lasing ay nakasunod pa rin siya sa amin.
Nang matapat siya sa amin ay kinuha niya si Zion mula sa akin at sa isang iglap ay nasa mga braso na niya ito.
"H—Hey! Ibaba mo nga si Zion!" Utos ko.
Hindi niya ako pinansin. Humakbang siya papunta sa isang itim na kotse at nakasunod naman ako sa kaniyang likuran.
"Hey! Ibaba mo si Zion at nang makauwi na kami! Damon! Ano ba! Ibaba mo sabi!" Dire-diretsa ko na sigaw at muntik-muntikan na akong madalas sa ipinasuot sa akin na heels sa akin ni Zion.
Pero hindi man lang niya ako nilingon. Kaya naman nilakihan ko ang hakbang ako para makaagapay sa kaniya.
"Damon! Ano ba? Bingi ka ba? Damon? Hoy—
Dahil sa lupa ang inaapakan namin ay lumusot sa malambot na parte ang aking heels at hindi napigilan na mawalan ng balanse. Napaupo ako sa lupa habang inis na nakatitig sa likuran ni Damon na nabuksan na ang pintuan ng kotse sa likuran at doon ipinasok si Zion.
Pinilit ko na tumayo at naiwan ang sapatos ko doon dahil nagmamadali akong lumapit kay Damon.
Paglapit ko ay akmang pupuntahan ko sa kung nasaan si Zion ngunit pabagsak niyang isinara ang pintuan. Napapitlag ako at napahakbang paatras.
Blanko ang mukha niya na nilampasan ako, samantalang naiwan ako na nakatigagal habang ramdam ko ang pagkabog ng aking puso.
Pumikit ako ng madiin at napatitig sa kotse. Hindi ko makita si Zion pero mukhang tulog na ito sa loob.
Nang makabalik si Damon ay napahawak ako sa kotse nang lumuhod siya sa harapan ko, bahagya niyang pinunasan ang sapatos bago hinawakan ang paa ko na nakaapak sa lupa. Napasinghap ako ng bahagya nang dumantay ang kaniyang mga daliri sa aking balat.
