2

27 3 0
                                    



Sinadya ko na puntahan si Cody sa security office ng club. Apat araw na ang lumipas pero wala pa rin akong balita na natatanggap mula sa kaniya tungkol sa ipinahahanap ko. Naiinip ako. Feeling ko napakatagal na ng lumipas na araw. Ilang araw na rin ako na hindi mapakali dahil sa paghihintay.

Natanaw ko kaagad si Cody na kasama si Katherine. Nakatayo si Cody sa tabi ni Katherine na kaniyang assistant sa trabaho sa loob ng security system ng club. Madalas niya rin itong kasa-kasama sa club. Katherine is just one of those lucky employees who passed the test from Gray and Cloud. Maraming proseso bago makapasok bilang empleyado rito. And the last part is to face Gray and Cloud for your final interview.

"No, I don't know her. Walang iniwan na message na ganiyan si Cloud sa akin. No, don't let her in. Baka kung ano pa ang gawin niyan sa loob. Yeah! For Pete's sake security officer ka ng club hindi mo pa ba alam ang gagawin mo? Evey morning before your shift ibinibigay ko naman ang mga panauhin na inaasahan nina Cloud and Gray pati na ang mga club members. Kung gusto niyang makapasok, she needs to pay for the entrance? Mahirap bang gawin iyon?"

Umagang-umaga ay mainit ang ulo. Nakakahiya naman atang magtanong sa kaniya kapag ganito.

"Katherine, show me the cctv from the main entrance." Utos niya.

"Who's this girl?" Tanong ni Katherine habang nakatitig sa malaking screen sa harapan nila.

Humalukipkip si Cody sabay iling. " Babae kaya ito ni Cloud? What's with that long burgundy hair? Ang huling balita ko na kinahuhumalingan ni Cloud ngayon ay isang doktor."

Muli ay sa intercom humarap si Cody. "Don't let her in. Cloud has no business with that woman. I repeat. Don't let her in. Thank you."

Nang mapasulyap sa akin si Cody ay tila nagulat pa siya. Nagtaas ako ng kamay bilang pagbati.

"Hi Sir Damon!" Masiglang bati ng mga kababaihan na officer sa akin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanila.

"Baka gusto ninyo ng kape sir? Water? Tea or me?"

Natawa lang ako sa inalok ng isa sa akin na pinaniningning pa ang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Rebecca." Seryosong tawag ni Katherine dito kaya nadismaya itong bumalik sa puwesto.

Lumapit ako kina Cody at Katherine. Nginitian ko si Katherine nang makalapit ako pero tila ba nahihiya ito dahil medyo nagtago pa sa likuran ni Cody. Pero sumilip din pagkatapos.

"H—Hi sir Damon." Mahinhin nitong bati sa akin.

"Hi Katherine.." nakangiti ko na bati at tumingin kay Cody.

"Hey. Not her. This girl is mine." Kunot noo na turan sa akin ni Cody.

Natigilan ako at napatingin ulit kay Katherine.

Nakakunot na rin ang noo nito atsaka kami tinalikuran.

"Don't own me, kung taken ka naman."

Iyon ang narinig ko na bulong ni Katherine bago naglakad papalayo.

"What was that?" Naisatinig ko at muling tumingin kay Cody.

Nakatitig pala siya kay Katherine na nakaupo sa swivel chair at nakamasid na sa malaking screen sa harapan nito.

" I just can't help it you know. Look how gorgeous she is with that skirt. Nice curves everywhere." Tila nahuhumaling na bulong ni Cody sa akin.

"You're cheating."

He glared at me and laughed after.

"I'm not. Ni hindi pa nga ako naka-score kay Katherine eh. She's so untamed. Ang hirap hawakan. The more you hold her tight, the more she slips away."

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now