Pagbaba namin ng Van nina Zico at Zion ay bumaba pa sina Nat para magpaalam ng husto sa amin.
"Bye Zion!" Paalam ni Nat kay Zion pero inirapan lang ito ni Zion. Humalakhak si Nat. Halatang iniinis si Zion. "Bye cutie pie." Paalam din nito kay Zico. Pinamulahan ng mukha si Zico at umiwas ng tingin. Nahihiya ba siya kay Nat?
"Where have you been?"
Pare-pareho kaming napatingin sa lalakeng kakababa lang ng kotse. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa labas ng bahay.
Si Steven...
Pagkalapit niya ay tinitigan niya sina Nat na tila ba inaalala kung nakita na ba niya ang mga ito.
Nang ma-realize siguro niya na hindi niya kilala ang mga ito ay ibinalik niya ang tingin sa akin.
"Saan kayo galing?" Seryoso niya na tanong sa akin.
Sumulyap ako kay Zico. Umiwas siya ng tingin. Ayaw talaga akong tulungan?
Muli akong tumingin kay Steven na seryoso pa rin ang pagkakatitig sa akin.
"Ahmm. Galing kami—
"Hello? Damon? Yeah. Naihatid na namin. Paalis na kami nito."
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang biglang magsalita si Raven sa kausap nito sa phone.
Napapikit si Zico pati na rin si Nat nang marinig iyon. Nasapo naman ni Zion ang sariling noo at napailing.
"Can we talk?" Matigas na sabi ni Steven at nagulat ako nang bigla niya akong hawakan nang mahigpit sa braso.
Napapikit ako dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Hey. Steve, dahan-dahan ka naman oh! Si Czai iyan ano kaba. Nasasaktan mo siya!" Habol sa amin ni Zion.
Maging si Zico ay nakasunod na rin. "Steve. Nasasaktan mo si Czai—
"Bakit ninyo hinayaan na magkita sila ng lalakeng iyon!" Steven voice raised.
Natahimik kaming lahat habang nakatitig sa direksiyon namin sina Nat. May kausap pa rin si Raven na tila ba nagtatalo pa.
"Wala naman silang ginagawang masama. Magkaibigan sila." Napayuko na sagot ni Zion.
"Damn it!" Steven cursed and opened the door in the front seat. Pilit niya akong pinasakay doon.
"Steven. Sinabi naman ni Damon na wala na siyang balak na maghabol pa. He's done with her. Magkaibigan na lang sila—
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Zico?" Pagalit na singhal ni Steven. Napalabas ulit ako ng sasakyan nang bigla niyang kwelyuhan si Zico. "Hindi ako tanga para paniwalaan ang lalaking iyon!"
"Bitawan mo si Zico! Ano ba!" Galit na sigaw ni Zion at pilit inaalis ang kamay ni Steven kay Zico.
Lumapit ako at pinigilan din si Steven.
"Let him go! Ano kaba! Nasasaktan si Zico?!"
"Magkaibigan? Sino ang niloloko ninyo!" Tiim-bagang na sigaw ni Steven atsaka binitawan si Zico.
Napaubo pa si Zico habang sapo ang sariling leeg. Zion helped him stand while cursing Steven because of what he did.
Lumapit sina Nat sa amin pero hindi sila pinansin ni Steven. Bagkus muli niya akong hinila papasok sa kotse at pabagsak na isinara ito.
Pagkasakay niya ay kaagad niya itong pinaandar paalis ng lugar na iyon. Nakita ko sa side mirror ang paghabol nina Zico at Zion pero wala rin silang nagawa.