Ang ingay ngayon sa loob ng bahay dahil sa nandito sina Zion at Zico. Panay ang away ng kambal sa sala. Kasama nila ang girlfriend ni Zico na si Via. Hindi tuloy alam ni Via kung sino ang kakampihan sa dalawa. Well, atleast hindi ako ang ginugulo nila.
"Hey Czai! I brought this for you!"
Tumatakbong lumapit sa akin si Ate Stacey sabay lahad ng isang mint green na dress sa aking harapan.
"It's beautiful. I like it." Nakangiti ko na sabi at tinanggap ang dress na inabot niya sa akin. Unlike Zion, Ate Stacey knows what I like. Kaya lahat ng ibinibigay niya sa akin ay ikinatutuwa mo talaga.
"I brought you this hon.."
Napatingin ako kay Steven na hawak-hawak ang isang pares ng pinagsamang kulay ng puti at itim na running shoes. Mahilig ako sa mga ganoon dahil mas komportable.
"Well, I bought for myself too. Same as yours." Tila nahihiya pa niya na dagdag at iwinagayway ang isa pang pares ng sapatos na katulad na katulad ng una niyang ipinakita.
Lumapit ako at kinuha ang mga iyon. "Thank you. They're cool."
He chuckled and kissed me on my forehead.
"You ignored the dress because of those shoes?"
Nakalabi na bulong ni Ate Stacey atsaka nag-flipped pa ng kaniyang mahabang buhok. Ganiyan na ganiyan ang aking buhok bago ako umuwi ng Pinas. Maganda at matangkad si Ate Stacey. Kung titignan mo siya, mukha na siyang foreigner dahil sa kulay ng kaniyang buhok pati na ang kaniyang style sa pananamit. Her face resembles my boyfriend's face. She's the girl version of Steven. Hindi ko inaasahan na sasama siya kay Steven. Ang sabi ni Steven ay gusto daw nito akong makita dahil nami-miss na akong ka-bonding. Madalas kasi kaming lumabas kasama siya sa New York kasama ang Mom nila.
"Hey Steve!" Tawag ni Zion habang nakatayo malapit kay Zico at nag-aagawan sa isang bar ng chocolate na sala nina Steven. Though marami naman sa ref. "Iyong promise mo ah? Ililibre mo kami sa entrance ng club! Wala na kasi akong pera."
Napatingin ako kay Zion at kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang tinuran. What? What club?
"Yeah. Ako ng bahala. Kailan ba ang balak?" Tanong naman ni Steven.
"Kailan ba kayo pwede ni Czaira? Siyempre kailangan muna ninyong magkasarilinan ni Cza—
"Zion!" Namumula ko na sita kay Zion.
Natawa lang si Steven sa tabi ko at pinisil ang aking ilong.
"Sus. Painosente si ate." Nakaismid na pang-iinis pa ni Zion at pinameywangan kami. "Don't tell me kahit kissed na malagkit wala pa rin?"
Napaamang ako sa biglang sinabi ni Zion. Isa lang ang pumasok sa aking isipan pagkatapos, It was Damon. That soft delicate kiss from him.
I was in awe when Steven cupped my face and gave me a peck on my lips.
Tumawa sila na nasa harapan namin dahil doon. "Iyong lagkit, mamaya na." Natatawa niyang sabi atsaka ako inakbayan. " 'Pag kaming dalawa na lang."
Zion shrugged and shook her head lazily. "Too boring.." she murmured as she turned her back on us. " May kaibigan si Czai sa mga members, malay mo libre na iyong entrance niya." She added after.
"Really?"
Napapitlag ako nang muling magsalita sa tabi ko si Steven. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. At ramdam ko ang biglang lamig sa buong katawan ko sa mga sinabi ni Zion. Feeling ko at namumutla ako dahil sa mga sinabi nito at hindi ko magawang sagutin si Steven na nakangiti sa akin.