Tahimik lang ako habang nasa byahe kami pauwi. Si Steven ang nagmamaneho samantalang nasa tabi ko si Zion at nakakapit sa braso ko. Nakagitna ako sa kanilang dalawa ni Via. Nasa front seat naman si Zico na panay ang sulyap sa akin. Maging si Steven sa rear view ay panay din ang sulyap sa akin. Wala akong mabasang emosiyon sa kaniyang mga mata.
Pero hindi sa kaniya umiikot ang aking isipan. Si Damon.
Nag-aalala ako para sa kaniya.
"Ano ba ang problema ng lalakeng iyon?" Naisatinig ni Zico habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi niya matiis ang katahimikan.
"Hey. Stop it Zico? Hindi mo ba nakikita? She was harassed. And Damon rescued her? Ano'ng nakakairita doon?" Saway ni Zion sa kaniya.
"Tss. Steven can protect her too. What's the big deal." Iwas tingin na wika ni Zico atsaka pabalyang sumandal sa kinauupuan.
" I wasn't there to protect her."
Steven's voice sounded bitter. He's peeking at me from the rearview mirror. I sighed and reached for his shoulder.
"I'm fine. Huwag mo ng isipin iyon. Okay." Para hindi na siya mag-alala at mag-isip pa.
Hindi ako pinansin ni Steven. Diretso lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bahay nina Zico. Inihatid muna namin sila bago ako ihatid ni Steven.
Habang nasa biyahe ay tahimik pa rin siya. Nasa front seat na ako at hindi rin kumikibo katulad niya. Iniisip ko pa rin si Damon.
Inihilig ko ang aking katawan at isinandal ang aking ulo sa bintana ng sasakyan.
Ilang buntong-hining ang aking pinakawalan dahil sa hindi mawala ang bigat sa aking dibdib . Hindi mawala sa aking isipan si Damon.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.
I didn't know that he could do such things like that.
Just because of me.
Nakapikit lang ako habang nasa biyahe kami pauwi. Ayokong magsalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ayoko ko rin tanungin pa si Steven kung okay lang na siya dahil mukhang hindi siya okay. At alam ko kung ano ang mga umiikot sa kaniyang isipan ngayon.
Paghinto ng kotse sa harap ng bahay namin ay kinalas ko ang seatbelt ko at lumingon kay Steven. He's spacing out. Nakatitig siya ng diretso sa harapan at tila walang balak na kumilos.
Nang hawakan ko siya sa braso ay doon pa lang niya ako tinitigan.
"Pasok na ako. Mag-iingat ka at magpahinga." Paalam ko at akmang hahalik sa pisngi niya nang may sabihin siya.
"Ano ba talaga ang gusto ng lalaking iyon sa iyo? Bakit ganoon ka na lang niya ipagtanggol? Why he had to go that far? He almost ruined those jerks' face."
Puno ng katanungan sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Bakit panay ang tinginan ninyo kanina sa club? I saw it. Kitang-kita ko kung paano ka niya titigan. What's with that guy Czai? Bakit hindi mo sabihin sa akin?"
Hindi nakaligtas sa akin ang namumulang mga mata ni Steven habang nakatiim-bagang. Pigil na pigil ang kaniyang sarili habang nakatitig sa akin.
"Kilala kita. You're hiding something. At alam ko na tungkol sa lalakeng iyon ang—
"Bakit ba natin siya pinag-aawayan Steve?"
"Lalake ako. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga titig niya sa iyo. Alam ko rin na hindi lang kaibigan ang tingin niya sa iyo. So tell me Czai, ano ka sa kaniya." Seryoso niya na sabi sa akin at wala siyang balak na tigilan ako hangga't wala siyang nakukuhang kasagutan. "Or rather, ano siya sa iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/250239915-288-k671196.jpg)