Hindi ko inaasahan na seryoso pala sina Steven na pumasyal sa Royale Empire Club. Kung ako lang, ayoko na sanang patulan pa ang pag-aya ni Zion. Bukod sa mapapagastos itong si Steven, may pagkakataon pa na baka magkita kami ni Damon.
Ilang araw na rin akong hindi nakaka-receive ng text sa kaniya pagkatapos no'ng nasa restawran kami. At ipinagpapasalamat ko iyon dahil atleast tumigil na siya. Para hindi na rin ako maguluhan pa.
Maaga kaming pumunta sa club dahil hindi lang panonood ng gig ang balak nila. Magpi-picnic daw kami sa gilid ng Miracle Pond sa bandang dulo ng club. Pero hindi kami makapag-dala ng pagkain dahil bawal pala. Kailangan doon bumili ng mga kakainin o kakailanganin. Napakatalino ng nakaisip no'n hindi ba? Kaya maraming nagsasabi na mukhang pera ang may-ari ng club. Pero mukhang wala naman pakialam ang mga may-ari kung ano man ang sasbihin nila sa kanila.
Pagka-park ng sasakyan namin ay bumaba na sina Zion at Via. Kasunod naman si Zico. Si Mama ay hindi na sumama dahil masama na naman ang kaniyang pakiramdam. Lately, palaging tumataas ang BP niya kaya nag-aalala ako para sa kaniya. Si Ate Stacey naman ay lumipad na pabalik ng New York.
Pagpasok namin ng club matapos magbayad ni Steven ay pare-pareho kaming napatitig sa napakalawak na lugar na nasa harapan namin. Kahit nakapunta na ako rito, hindi ko alam na mas maganda rin pala kapag umaga dahil kitang-kita mo mula dito sa kinatatayuan namin ang mataas na light house sa dulo. At may ilang building doon na sa tingin ay ang mga suite na tinutuluyan nga mga members. May iilan tao na rin ang nagkalat sa loob at mukhang nag-hihintay din sa mga E-Jeep na papalapit na sa amin.
May mga matataas puno sa gilid ng mismong daan pati na mga bulaklak na nakakaengganyong pagmasdan. May mga sign board din sa bawat kanto na dadaanan mo kaya hindi ka maliligaw. May mga manuals din sila na ibinibigay kung sakali man ay may map doon ng buong club. May mga iilang rules and regulations din sa list ng manual.
"Malawak at maganda ang lugar. Kaya pala dinudumog ng mga tao." Komento ni Steven atsaka ako inakbayan.
"May limit nga lang. Ayaw ni Gray na crowded masyado ang club." Sagot ko dahil iyon ang narinig ko noong nanood kami ng gig. Ipinahinto ni Gray ang pagtanggap ng mga guests dahil sa marami ng tao sa RE Bar. "May mga restricted area rin na hindi talaga pwedeng puntahan.
Lumapit si Zico sa amin at huminga ng malalim. "It's nice here. I like the view." He commended.
"Of course!" Proud na sabi naman ni Zion at kumapit sa akin. "Kailangan sa iyo ako kumapit. Siyempre baka dumaan ang Crimson Band."
I rolled my eyes and took her hands off. "Samahan mo kaya si Via." Kumapit ako kay Steven at bahagyang lumayo kay Zion.
"Why? Baka makasalubong natin si Damon—
"Heto na pala ang sasakyan natin eh." Putol ko sa sasabihin pa ni Zion dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan.
She scowled and rolled her eyes. "Selfish."
Natawa ako sa reaksiyon niya. Akala mo talaga eh.
"Bakit hindi mo tinawagan si Damon? Sana libre ka at nakatipid si Steven." Dagdag pa niya.
"Okay lang. I can pay for my girlfriend's expenditures." Si Steven ang sumagot at hinila na ako papalapit sa E-Jeep na huminto sa harapan namin.
Habang tinatahak namin ang papasok sa mismong club ay salita nang salita si Zion na hindi talaga kayang pigilan ang bibig.
"Bakit ba ako lang ang walang partner dito?" Reklamo niya at tila walang pakialam sa nga kasama namin sa loob ng E-Jeep. Napailing na lang kami sa kaniya.
Nagngangali-ngali naman si Zico na batukan ang kakambal.
May iilan kaming kasama sa E-Jeep at puro babae sila halos. May iilan sa kanila na pasulyap-sulyap kay Zico at Steven na nagkukwentuhan tungkol sa naiwan sa New York.
