Hindi naman ako pinigilan nina Gray at Cloud sa nais ko. Alam nila na desisyon ko iyon at kailangan nila itong igalang. Nag-decide ako na umuwi na muna ng bahay dahil feeling ko, sa tuwing nagku-krus ang mga landas namin nina Eli kahit napakalawak ng buong club ay parang napakaliit nito para sa amin.
Kaya ako na mismo ang nag-adjust dahil ako naman ang may ginawang hindi nakakatuwa.
Dalawang araw na ako sa bahay at dalawang araw na rin akong ginugulo sa social media pati na ang mga iba't ibang reporters na tumatawag sa akin at humihingi ng pahayag o paliwanag. Sinabihan din ako ni Raven na mag-public apology sa bigla kong pagbitaw sa banda.
Eli kicked me out of the Crimson Band's GC kaya wala na rin akong nari-received na mga mensahe mula doon.
Pero nagpi-PM naman sa akin sina Blake at Miggy. Si Lee naman ay sanay na ako na hindi siya nagme-message maliban na lang kapag may kailangan o may itinatanong. Lalo naman kay Eli.
Nag-post lang ako sa IG para sa sinasabi ni Raven na public apology pero hindi ako pumayag na magpa-interview. Dinumog ang IG ko ng mga fans. May mga nagsasabi na nang-iiwan ako sa ere. Inaway ko si Eli. At hindi ako mabuting kaibigan. May mga tao rin naman na nagmo-motivate sa akin. Pero wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila. Desisyon ko iyon kaya kailangan kong tanggapin ang lahat ng iyon. At wala akong panahon na pumatol sa kanila.
Paglabas ko ng banyo ay sinilip ko ang phone ko nang makita ko ang message na nanggaling kay Czai.
Umupo ako sa kama at kaagad binasa ang message na galing sa kaniya.
Czai
I saw the news. Nakita ko rin ang kumakalat na post mo sa IG pati na ang mga bashers. I just wanna know kung kamusta ka?
Hindi ako nag-reply sa kaniya bagkus ay tinawagan ko siya.
Kaagad naman siyang sumagot pero hindi agad nagsalita. Kaya ako na ang nauna.
"I'm fine. Ikaw kamusta ka?"
"Okay lang ako. Sigurado ka okay ka lang?"
Ngumiti ako at sumandal sa head board ng kama. "Yeah. I'm fine lalo na't narinig na kita."
Natahimik siya sa kabilang linya at narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.
"I wanna see you." Buntong-hininga ko na sabi. "Can't I?"
"Damon.."
Tumayo ako at naglakad papalapit sa bintana ng aking kwarto. Sumilip ako sa baba at nakita na may iilang mga reporters na nakatago sa mga puno at pader sa labas ng mataas na gate ng bahay. Damn all this people.
"Let's meet Czai. I wanna see you now. I miss you."
Marami ang magsasabi sa akin na kabaliwan ang ginagawa ko, maging ako ay alam ko na kabaliwan ito. Pero ayoko nang palampasin pa ang pagkakataon na kahit alam ko na mali, itutuloy ko pa rin.
"Gusto lang kitang makita. Please." I begged.
Matagal bago siya sumagot kaya nakaramdam ako ng lungkot dahil alam ko na hindi siya papayag dahil napagsabihan na niya ako tungkol dito.
I closed my eyes and was about to end the call when she replied.
"Fine. Hihintayin kita. Message me kapag nasa labas ka na."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking phone nang marinig ang kaniyang pagpayag. "Thank you Czai. Thank you..."
Pagbaba ko ng hagdanan ay nakasalubong ko si Mom na kasama si Dawn. Nakayakap si Dawn kay Mommy habang umiiyak.