Si Steven ang sumundo sa amin ni Mama sa ospital kasama sina Zion at Zico. Inis pa rin si Zion kay Steven kaya binabalewala niya pa rin ito. Si Zico naman ay kinakausap na si Steven. Though nasaktan ito ni Steven noong isang araw ay hindi nito iyon dinibdib.
Okay na man din kami ni Steven. Hindi na niya binabanggit si Damon. But he's desperate about going back to New York. Tikom lang ang bibig ko kapag sinasabi niya anv tungkol doon. Because I don't really wanna leave.
Pero ano ba ang ang magagawa ko?
Iyon ang tamang gawin hindi ba?
I chose to leave Damon that day, and now he chose to give up on me.
I chose to leave then dahil kailangan. At ngayon na pinili niya na isuko na ako dahil iyon ang tama.
Bakit ba palaging ang kailangan at ang tama ang pinipili kung masasaktan ka lang?
Lahat ng mga desisyon sa buhay ay pinili ko hindi dahil gusto ko, kung hindi dahil kailangan.
Never pa akong nagdesisyon ng para sa sarili kong kagustuhan.
And I keep on asking myself.
Am I happy?
Am I contented?
I don't even know the answer.
Ang alam ko lang, may mabigat pa rin sa dibdib ko na hindi ako sigurado kung mawawala pa.
"May nag-deliver. Pero walang pangalan na nakalagay. Naka-address lang dito at sa pangalan mo."
Inabot sa akin ni Mama ang isang bouquet ng mga iba't ibang kulay ng mga rosas.
Wala pa si Steven dahil umuwi siya sandali para kumuha ng kaniyang damit. He'll stay here with us hanggang sa maihatid namin si Mama sa probinsiya.
Sino naman kaya ang magpapadala ng bulaklak sa akin?
Nang makita ko ang card na nakasiksik doon ay kinuha ko at binasa ang letter na nandoon.
I'll see you soon.
Iyon lang ang nakasulat sa card.
"Hindi ba kay Damon galing iyan?"
Nang itanong iyon ni Mama ay pasimple ko na tinignan ang phone ko baka sakaling may message si Damon. Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam. Wala rin akong makita sa balita tungkol sa kaniya. Siguro ay nasa bahay lang ito dahil naka-ban pa rin siya sa club.
Nadismaya ako nang makitang wala naman message si Damon sa akin.
Kanino naman ito galing kung hindi kay Damon?
"Kanino galing?" Tanong ulit ni Mama.
Tumingin ako sa kaniya at nagkibit-balikat. "I don't know. Walang nakalagay na pangalan Ma."
Kinuha niya sa akin ang mga bulaklak at tinignan ang letter. "Siguro ay galing ito sa kaniya hindi lang niya nilagyan ng pangalan. Ilalagay ko sa vase. Sayang naman."
Tumango lang ako atsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Tinungo ko ang pintuan at tumingin sa labas.
My eyebrows furrowed when I saw a man standing nea our gate. Wearing a black cap at hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakatakip ang mga mata nito sa cap.
Humakbang ako para sana puntahan ito pero bigla itong naglakad paalis.
Nagpatuloy ako sa paglabas para tignan kung sino ito.
Pagbukas ko ng gate ay isang kotse ang nakaparada malapit sa gate namin.
My heart hastened when I saw the guy inside the car. Hindi iyon tinted kaya kitang-kita ko ang lalake na nakaupo sa driver's seat at katabi nito ay isang magandang babae na nakatitig lang din sa akin.