11

19 1 0
                                    

One of the hardest parts of life is that you need to decide, whether you'll gonna walk away or try harder.

And I chose to try harder.

Ayokong sumuko kahit nakahapag na mismo sa akin ang aking pagkatalo.

Kahit masaktan man ako ng paulit-ulit, atleast masasabi ko sa sarili ko may ginawa ako. Atleast I tried to fight for her.

I juts can't let her go lalo ba ngayon na abot kamay ko lang siya. Sabihin man nila na kabaliwan ito, matagal na akong baliw sa kaniya.

"Gumawa ka na naman."

Iyon ang bungad sa akin ni Lee pagkapasok ko sa studio. Kasalukuyan silang nag-aayos ng mga gagamitin para sa practice.

Napalingon sa akin sina Blake at Miggy. Itinaas ni Blake ang isang kamay para batiin ako. Tinanguan naman ako ni Miggy sabay ngiti.

I know that I've caused them so much hassle these past few days. At hindi ko rin alam kung kaya ko bang tumugtog dahil sa aking nararamdaman. Ang totoo ay may pumapasok sa isipan ko ngayon na hindi ko mapdesisyonan.

Ang gusto ko lang ngayon ay makapag-focus kay Czai. I want her back. I can't continue living like this kung alam ko na nasa paligid lang siya at ano man oras ay maaari siya mawala ulit. Ayoko ng mangyari iyon. Simula nang makasama ko siya, hindi na siya nawala sa aking isipan. Mawawala ako sa katinuan kapag nawala siya.

"Pasensiya na." I apologized and took the seat beside Miggy. Tinulungan ko sila sa kanilang ginagawa. "Si Eli?" Tanong ko.

"Papunta na. Isinabay lang si Raven dahil wala daw dalang sasakyan." Sagot ni Blake at habang nakatitig sa akin.

"Okay ka lang? Parang mas lumala ata simula nang dumating si Czaira? You don't seem well." aniya.

Ngumiti ako lang ako at pumunta sa keyboard ko. Inayos ko ito ng tahimik.

"Saan ka nanggaling? Halos dalawang araw ka ng wala. Pinatayan mo daw ng phone si Raven. Kawawa naman iyon si Raven. Ilang beses na siyang napapagalitan kay Gray dahil sa iyo. Dumadami na naman ang mga complaints sa web." Wika ni Miggy nang makalapit sa akin.

"Okay ka lang ba talaga?" Paninigurado ni Blake.

Muli ay ngumiti ako at tumango.

"Damn. Puwede ka naman magkwento sa amin kung may problema Dude. Hindi mo kailangan sarilinin iyan—

" I'm planning to leave the band." Putol ko sa sasabihin ni Miggy.

Napahinto silang lahat sa ginagawa nang sabihin ko iyon. What do I expect? Lahat sila ay sinasabi na ako ang huling taong mang-iiwan sa banda maliban kay Eli dahil ako itong palaging Oo lang ng Oo sa lahat ng sasabihin nila.

Pero mukhang nakalimutan nila na wala akong ibang dahilan kung bakit ako sumali sa banda kung hindi dahil sa kailangan ko lang na mapag-tutuunan ng pansin habang wala si Czai. At ngayon na nandito na siya, gagawin ko ang lahat maibalik ko lang siya sa akin.

"That's absurd Damon." Naiiling na wika ni Blake.

"You're crazy. Gusto mo talagang tamaan sa akin Damon?" Iyon ang iritadong sabi ni Lee habang nakakunot ang noo na nakatitig sa akin.

Bumuntong-hininga ako at ngumiti ng pagkapait-pait.

"Bakit naman kailangan umalis pa?" Blake asked while glaring at me.

"I think I need to do something, bago pa siya mawala ulit sa akin." I replied and sighed again. "I'm sorry."

Nasapo ni Miggy ang sariling sentido at minasahe ito. "This is really shit. My head is aching from this nonsense thing of yours."

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now