27

20 1 0
                                    

Tahimik lang ako na nakaupo kung saan kami pumwesto ni Damon kasama ang mga kaibigan niya. Wala si Nat ngayon, sabi ni Blake ay may away daw sila ni Miggy kaya ganoon. Kaya si Raven ang kasama ko ngayon. Kaarawan ni Sir Neal ngayon kaya nasa isang malaking function center kami kung saan ginaganap ang magarbong selebrasiyon. Marami sa mga miyembro ng club ang nandirito. Kaya iyong iba kilala ko.

Pero hindi ko talaga feel ang mga ganito kagarbong selebrasiyon. Nalulula ako.

Napapasulyap lang ako kay Damon kapag may lumalapit sa kaniya at binabati siya. Maging sina Miggy at Blake. Nandito rin si Eli at Lee kaya naman marami sa mga kababaihan na bisita ang nagsisilapit at nagpapa-kuha ng picture kasama sila.

"Kailan ka babalik?" Iyon ang tanong ng lalaking naka tux at hinawakan sa balikat si Damon.

Tumayo si Damon at napakamot ng ulo. Kinamayan ang lalake atsaka tumawa.

"Long time no see Ruass. Hindi ka madalas sa club ngayon." Wika ni Damon at hindi pinansin ang tanong ng lalakeng may pangalan na Ruass.

"Medyo busy lang. Kakauwi lang ni Ryhss kaya madalas sa bahay muna kaming lahat." Sagot ni Ruass atsaka binati rin ang iba. Nginitian naman niya ako. Ibinalik ko lang ang ngiti niya at uminom ng tubig.

Paupo na sana si Damon nang may isang babaeng lumapit sa kaniya. Naka-itim na evening gown ito at halatang-halata ang magandang kurba ng kaniyang katawan.

Napaiwas ako ng tingin ng halikan niya sa labi ni Damon.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng inis ng bigla. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa siya nagsasawa na magpahalik kahit kani-kaninong babae? Sa harapan ko pa talaga.

Napatikhim sina Blake at Miggy nang makita rin siguro iyon.

"Here."

Napatingin ako sa wineglass na inalok sa akin ni Lee. Sinenyasan niya ako na inumin iyon. Doon ko naintindihan ang nais niyang iparating.

Napalunok ako at akmang iinumin na iyon pero mabilis iyon naagawa ni Damon at siya na mismo ang uminom.

"I'll kill you Lee if you do that again." Tiim-bagang niya na banta kay Lee.

"May nakita kasi siyang hindi kaaya-aya. That's why I offered her a drink. Para makalimot kumbaga." Nakaismid na sagot ni Lee atsaka napailing.

Pumalakpak si Miggy atsaka tumawa. "Gusto ko iyon Lee. Iba mga banat mo ngayon ah? As if makakalimot si Czai sa isang shot lang."

"Idiot." Bigkas ni Eli at nginisian si Lee.

"Tss. Mga panira kayo." Asar na sabi naman ni Lee.

Nang magtama ang mga paningin namin ni Damon ay iritado akong umiwas ng tingin. Dahil nasa tabi niya pa rin iyong babae. Ito iyong babae na kasama niya sa mga news at social media noong sinasabi niyang nagmo-move in kuno siya. Tss.

"Can I join you?" Tanong pa ng babae atsaka umupo sa tabi ni Damon.

"Umupo kana may choice pa ba kami?" Pagtataray ni Raven atsaka uminom ng wine. "Sige po. Maupo kana okay lang." she added with sarcasm.

Nakagat ko ang aking labi nang kindatan ako ni Raven.

I really love her when it comes with this.

Tahimik pa rin ako at paminsan-minsan na nakikipagkwentuhan kay Raven.

Nang maramdaman ko ang braso ni Damon sa sandalan ng upuan ko ay medyo umisod ako palayo doon.

Naririnig ko siya tumatawa habang may ikinukwento sina Miggy. Nakakainis pero ang sarap sa tenga ng kaniyang boses at tawa. Napansin ko lang na madalas ko na hinahanap hanap ang ngiti at tawa niya. Maging ang kaniyang mga titig na nakakatunaw ng aking damdamin.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now