Pumayag si Gray na hindi na muna ako sumama sa mga gig ng banda sa club. Pero ang mas ikinagalit lang ni Gray na bahagya rin ikinakunot ng noo ni Cloud na madalas ay nakangiti nang makita ang complaint sa website ng club. Sinasabi doon na nagbabayad ang mga guest para sa buong presensiya ng banda. Kaya big deal sa kanila na wala ang isa. Wala ako. Kahit sa website ng Crimson Band ay may iilang complain din na ikinaputok ng mga ugat ni Raven sa ulo. Even Ruass, our producer, confronted me nang magkasalubong kami sa club.
"So seryoso nga? Mawawala ka ng isang buwan?" Naiiling na tanong ni Blake bago nilagok ang laman ng kaniyang baso.
Nasa RE Bar kami kasama si Miggy at Natalie pagkatapos ng gig namin. Gig namin maayos nga sa pagkakatugtog, pero may kaunting gap pagkatapos. Sa aming dalawa ni Eli. Kaya nga wala rin si Eli ngayon dito. Si Lee naman ay umuwi muna sa kanila.
"That is so sweet Damon." Nakangiting sabi ni Nat at nakipag-toast pa sa akin. "Hindi pa naman kasal eh. So may chance kapa-
Tinakpan ni Miggy ang bibig ng matalik na kaibigan kaya hindi nito naituloy ang mga sasabihin.
"Bibig mo. Parang hindi mo kilala iyong tao eh. Desperado na iyan Nat. Baka akalain niya tama lahat ng mga sasabihin mo." Sita ni Miggy atsaka humarap sa akin. "Don't mind her. She's blabbering nonsense. Ouch-
Nasapo ni Miggy ang sariling ulo matapos siyang hampasin ni Nat doon sa parteng iyon.
"You son of a! Muntik ng mabura ang labi ko sa higpit ng pagkakatakip mo!" Paasik na wika ni Nat at akmang babatukan pa siya ni Nat kaya pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang harapan para ilagan ito.
Kahit naman desperado ako. Hindi ko naman gagawin ang iniisip nila. Gusto ko lang talaga siyang makita at makausap.
"Tandaan mo iyan Miguel! Hindi kita tutulungan kapag nagsawa kana sa nobya mong hilaw. Wala kang maaasahan sa akin!" Banta ni Nat.
Humalakhak si Miggy at nginisian ito. "Same to you!"
"Gago ka Miguel!" Gigil na mura ni Nat at pilit inaabot ang buhok ni Miggy para masabunutan.
"Hi Damon!"
Napalingon kami pare-pareho sa mga grupo ng kababaihan na lumapit sa'min.
"Y-Yeah." Nakangiwi ko na sambit nang malita ang mga bitbit nila na kani-kaniyang paper bags.
Isa-isa nila iyon na ipinatong sa aking harapan sa mesa.
"Sana maging okay kana. We heard the news about your long lost love." sabi ng babae na nakasalamin.
"Fighting!" Sabi naman ng isa pa na naka-sweater.
"Laban lang!" Dagdag pa ng isa na naka-ponytail ang buhok.
Lumapit pa ang iba at may nagbigay ng mga bulaklak at mga stuff toys. Napuno ang mesa namin ng mga iyon.
"Grabi talaga ang mga supporter ninyo. Masyadong naa-attached sa inyo. Kung alam lang nila ang mga ugali ninyo." Komento ni Nat at kinuha ang pink na teddy bear. "Akin na ito ah-
Nabitin si Nat sa kaniyang sasabihin dahil matatalim ang naging titig ng mga kababaihan sa kaniya. Ibinalik niya ang stufftoy at umupo sa tabi ni Miggy. "Sabi ko nga. Kay Damon lahat iyan."
"Ibibili na lang kita ng mas malaki." Bulong naman ni Miggy sabay ngisi.
"Tss. Salamat na lang. Alam ko may kapalit iyon. Asa." Mataray na irap ni Nat dito. And she gulped down her drink.
"Sana maging okay kana Damon." Sabay-sabay nila na sabi sa akin.
I winced and nodded.
"A-Ahm... Yeah. Thank you."