35

46 1 0
                                    


Pagdating namin ni Nat ng club sa RE Bar ay dumiretso na kami sa puwesto namin na naka-reserve na sa para sa amin. Hindi pa ganoon kadami ang mga guests kaya naman mas madali kaming nakapasok.

Wala pa sa stage ng lahat ng members ng Crimson Band kaya tahimik pa ang mga tao sa paligid. May mga nagkukuwentuhan pa tungkol sa kung kumpleto ba silang tutugtog ngayon. Ang balita ko kasi kina Nat ay nasa Hongkong pa si Damon at wala pa naman sinabi kung kailan ito babalik.

"Si Raven?" Tanong ko kay Nat. Si Frances lang kasi ang kasama namin sa mesa.

"Sa backstage na." Sagot naman ni Nat habang nakatitig sa phone niya.

"Okay na ba siya?"

Tumingin si Nat at ngumiti sa akin. "Hindi pa nga eh. Pero ayaw paawat. Sabi ko dito nalang muna siya at manood."

"Ganoon ba. Nandoon din si Ruass?"

Tumango si Nat at tumingin sa stage. "Lagi naman nakaantabay iyon kay Raven."

Napansin ko rin iyon. Pero halata naman na si Eli lang ang nakikita ni Raven. Napatitig ako kay Frances na nakatitig din sa stage.

Kakalabas lang ng grupo kaya medyo may mga kinikilig na at isinisigaw ang pangalan ng bawat miyembro.

"Tignan mo naman itong si Miguel. Parang ewan." Naiiling na sabi ni Nat nang makita si Miggy na may cat ears headband nang lumabas ng stage. Tuwang-tuwa tuloy ang mga tao nang lumabas din si Raven mula sa likuran at inalis ang headband sa ulo ni Miggy.

"Sa'n niya galing iyon?" Natatawa ko na tanong. Tumawa si Frances at tumingin kay Nat.

"Kinuha niya sa akin kanina iyan. Sira ulo talaga eh." Iritado na wika ni Nat atsaka humalukipkip.

"Oh my God! Si Damon!"

"Nakabalik na pala siya?"

"Ang gwapo niya!"

"Damon! We missed you!"

Sa isang iglap ay naka-focus na ang aking paningin sa lalake na huling lumabas at kumaway sa mga tumawag sa kaniyang pangalan.

At nang dumako sa amin ang kaniyang paningin ay parang huminto sa pag-inog ang mundo ko. Napahawak ako sa pendant ng kwintas ibinigay niya sa akin nang magtama ang mga titig namin. My heart skipped a beat when he gave that beautiful smile on me. I couldn't hear anything aside from the beating of my heart. It's racing faster and louder.

My heart says it's been a while. I missed you.

His presence excites all my nerves inside me. And every time my heart beats like this? I know, it shouts his name. This heart of mine only beats for him. I just can't forget him.

"I thought he won't make it." Saad ni Nat atsaka lumingon sa akin. "You missed him right?"

Napahigpit ang hawak ko sa kwintas ko atsaka napalunok. "I don't wanna lie. I missed him. Pero hanggang doon na lang iyon."

She chuckled and nudged Frances beside her. "Ang bitter niya no."

Tumawa si Frances atsaka tumingin sa akin. "Yeah."

Lumabi ako at humalukipkip. "Pinagtutulungan ninyo ako." Nang muli akong tumitig sa stage ay kausap na ni Damon si Eli. Maging si Lee. Tahimik lang ako habang hinihintay silang magsimula.

Panay ang sulyap ko kay Damon pero ni hindi na niya ako matignan man lang dahil busy na ito sa pakikipag-usap sa mga kasama nila.

Nararamdaman ko. Sa maaliwalas at malawak niyang mga ngiti sa kaniyang mga labi ay alam ko na okay na siya. He looked so fine and contented. Siguro ay may mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya ngayon. At masaya ako para sa kaniya.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now