24

20 1 0
                                        

Inasahan ko na ito. Inasahan ko na na mangyayari ito.

Kalat na kalat na sa social media ang mga larawan namin ni Damon. Pati ang pangalan ni Steven ay nadawit na rin. At sigurado ako na nakarating na ito sa mga magulang ni Steven.

Nakasaad sa mga balita na ako ang babaeng matagal ng hinahanap ni Damon.

Sinasabi rin doon na sinira ni Damon ang relasiyon na mayroon kami ni Steven. Na siya ang dahilan kung bakit naaksidente si Steven.

Marami ang nagalit kay Damon pero mas marami ang nagalit sa akin lalo ang mga fans niya. I deactivated all my accounts to avoid reading those hateful messages that his fans are sending me. Lalo itong nagbigay ng stress sa akin pati kay Mama.

Lalo na ng dumating ang pamilya ni Steven. Galit na galit si Ate Stacey sa akin maging ang Mommy nila. Ano naman ang sasabihin ko? May maidadahilan ba ako? At bakit ako magdadahilan? Para takasan ang guilt na nararamdaman ko ngayon na wala na si Steven?

Magsisi man ako ay wala na iyon magagawa.

Hindi nito maibabalik ang buhay na nawala.

At habang buhay ko itong dadalhin.

Nakatitig lang ako mula sa malayo habang dahan-dahan na nawawala ang mga tao sa paligid kung saan hinatid sa huling hantungan si Steven.

Kasama ko si Mama. Samantalang nandoon sina Zion at Zico. Medyo nagalit din si Tita Fiona sa akin, alam ko iyon. Dahil siya ang nagpakilala sa akin kay Steven. At kaibigan niya ang pamilya ni Steven. Hindi naman mawawala iyon dahil kahit saan anggulo mo tignan, ako talaga ang may mali.

Nang maubos ang mga tao sa lugar na iyon ay nilapitan ako ni Zion at inalalayan papunta kung saan nakalibing si Steven.

Lumuluha ako na umupo at inilapag ang bulaklak na dala ko sa lupa habang lihim na nagdarasal.

I know it's too late to ask for his forgiveness. Alam ko na katangahan ito dahil hindi na niya ako masasagot man lang. Hindi ko na siya mahahawakan o mayayakap man lang.  Pero gusto ko pa rin humingi ng tawad sa mga naging pagkukulang ko. Sa mga naging pagkakamali ko. Kahit huli na ang lahat.

"Bakit kailangan mangyari ito? Hindi ko maintindihan. Hindi talaga." Umiiyak na sabi ni Zion sa tabi ko. "Galit ako noon sa kaniya pero hindi ko naman gusto na mangyari ito."

"Wala naman may gusto sa nangyari. At wala naman dapat sisihin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit may kailangan na magalit sa iyo." Komento ni Zico habang nakaupo sa tabi ko at nakatitig sa lupa kung saan nakahimlay na ang katawan ni Steven.

"Wala naman may gusto nito. Aksidente ang nangyari pero hindi rin natin alam kung ano ang plano ng nasa itaas." Halos pabulong na wika ni Mama at naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. "Death is a painful truth that we need to face. At sa ayaw man natin o sa hindi, parte iyon ng buhay na kailangan natin tanggapin. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili ko kung bakit ito nangyari Czai. Kung ano man ang rason kaya ito nangyari, walang nakakaalam."

Pumatak ang mga luha ko sa lupa habang nakayuko at inaalala si Steven.

Hindi ko matanggap...

That he just died alone.

Nawala siya ng may hinanakit sa kaniyang puso.

Sawa na akong magtanong.

Sawa na rin akong maghanap ng kasagutan.

Sinubukan ko na tawagan sina Ate Stacey pero hindi na nila ako sinasagot. Pinutol na nila ang ugnayan nila sa akin. At kailangan ko rin tanggapin iyon.

Ilang araw ako na hindi lumalabas ng aking kwarto dahil sa hindi maganda ang aking pakiramdam.

Mabigat ang pakiramdam ko at nasa isipan ko pa rin si Steven. Never siyang nawala sa isipan ko simula nang mailibing siya.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now