15

13 1 0
                                    

Kahit ano'ng pilit ko kay Zion na aya na umuwi na ay hindi pa rin ito pumapayag. Manonood pa daw siya ng gig ng Crimson Band. Sayang daw ang ibinayad kung aalis agad kami. Sinang-ayunan naman iyon ni Steven kaya wala na akong nagawa.

Iniwan namin sina Damon sa RE Cafe at pinuntahan muna lahat ng mga magagandang tanawin ng club. Pumunta kami sa sinasabi nilang REC Museum na akala ko naman kung ano. Mga paintings pala ito ng mga mukha ng mga miyembro ng club. Nagkalat ang mga larawan at paintings ng mga mukha nila dito. Doon din makikita ang mga paintings ng bawat spot na ipinagmamalaki ng club.

Napatitig ako sa isang malaking painting na may larawan ng Crimson Band.

"ROYALE EMPIRE CLUB's PRIDE"

Hindi naman iyon maitatanggi dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit ito dinadayo.

Napatitig ako sa mukha ni Damon.

But he already left the band...


M
May golf course din pala sa mismong club sa dulo, ngayon ko nalaman na napakalawak ng lugar na ito. Nakakalula...

Pinuntahan din namin ang pinaka gustong puntahan ni Zion, ang Miracle Pond na matatagpuan sa bahagyang dulo ng club. Malaparaiso ang lugar. Akala ko ay ang Royale Fortune Garden na ang pinakamagandang spot ng lugar, pero may mas gaganda papala dito. May mga iba't ibang kulay ng isda sa pond at may paarko itong tulay sa pagitan. Doon ay may mga guests na nagpapakain ng mga isda.  May mga malalaking puno na nakapalibot sa pond na isinadya para doon sumilong ang mga gustong mag-relax. Marami nga sa mga guests ang nakaupo sa ilalim ng mga puno at doon na nagpi-picnic.

Pero mas nakakamangha ang mga treehouse doon kung saan may mga guest din na kumakain sa loob. Sa tingin ko ay may ibang payment pa iyon.

May mga maliliit na booth sa ibaba kung saan pwedeng bumili ng pagkain. Kaya pala bawal magdala ng pagkain sa club. Dahil may sarili silang mga stores sa loob.

Then there is the light house...

Sa dulo ng tulay...

"Ang ganda talaga dito!" Kinikilig na bulalas ni Zion at tumakbo papunta sa tulay. Inabutan siya ng staff ng pagkain ng isda kaya tuwang-tuwa ang bata na nagpakain ng isda doon.

"Ano'ng nakakatuwa sa pagpapakain ng isda? Huh? Pakisagot naman ang tanong ko Czai." Bulong ni Zico habang nakatitig sa kakambal na parang bata nga naman na nae-excite sa ginagawa.

I chuckled and put my arms on his shoulder. "Hindi ko rin alam. Madali lang siyang matuwa sa mga simpleng bagay."

"Tss. Mababaw." Zico blurted and held Via's hand. "Let's feed those colorful creatures."

Hinila niya papunta sa tulay si Via na ikinailing namin dalawa ni Steven.

Umupo lang kami ni Steven sa lilim ng puno malapit sa pond at pinanood sina Zico na nagkukulitan sa tulay.

Muntik pa na mahulog sa tulay si Zico nang itulak ito ni Zion mabuti na lang at nahawakan ng isa sa mga staff.

Nakahilig lang ako kay Steven habang nakapikit at dinadama sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Hawak ni Steven ang aking kamay habang nilalaru-laro ang mga ito.

Nagpalipas lang kami ng oras sa Miracle Pond habang hinihintay ang oras ng gig ng Crimson Band dahil hindi talaga papayag si Zion na aalis ng club ng hindi nakikita si Eli at Lee. Sila na lang daw ang wala siyang picture na kasama ang mga ito. Duda ako sa balak niyang magpapicture kasama ang dalawa.




Nang malapit nang mag-start ang gig ay nag-decide na kami na magpalit ng suot sa nadaanan namin na rest room.

Kahit ang mga restroom ng club ay naka aircon din. Kahit saan lugar talaga sa club nakapa-convenient para sa mga guests nila.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now