Pagbukas ni Damon ng pintuan ng kotse ay hinawakan pa niya ang isang kamay ko para alalayan ako sa pagbaba.
"Careful." Paalala niya.
"Hmm. Thanks. " matipid ko na sabi at tumitig sa kamay niya na hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko.
"You're welcome."
Iyon ang halos pabulong niya na sabi kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Tumatama sa kaniyang mukha ang liwanag na nagmumula sa kaniyang mukha. Kasabay nito ay ang pagkislap ng kaniyang mga mata na nagbibigay ng labis na kaba sa aking puso.
I tried to pull my hand from him, but he didn't let go of it. He held it tighter while his eyes gaze on my face. Kumilos ang isang kamay niya para abutin ang aking mukha pero hindi niya ito itinuloy. Naitikom niya lang ang kamao at muling bumagsak. He sighed and smiled at me lazily.
He squeezed my hand and let go after.
"You should go inside. Baka nag-aalala na ang Mama mo." Napilitan niya na sabi .
Napahawak ako sa sariling kamay ko na kaniyang hinawakan at tumango.
Humakbang na ako papalapit sa gate ng bahay namin at hinarap siyang muli. "Mag-iingat ka."
Tumango siya at isinara ang pintuan ng kotse niya. Nanatili siyang nakatayo doon habang nakapamulsa at nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang pumasok sa loob? Basta alam ko may sasabihin siya.
"Good Night Czai. Thank you. Sana magka-chance pa na makasama ka?"
"Kung hindi ako busy." Nakangiti ko na sagot at binuksan na ang gate. Pagkapasok ko ay nilingon ko pa siya. "Good night.."
Itinaas niya ang isang kamay ay sinenyasan na ako na isara na ang gate.
Tumango ako at ipininid na pasara ang gate. Humakbang na ako papasok ng bahay pero muling huminto at hinintay ang ingay ng makina. Nang marinig ko iyon at ang pag-andar ng sasakyan ay doon ako tuluyan na pumasok.
Muntik na akong mapasigaw nang makasalubong ko si Mama sa pagbukas ko ng maindoor ng babay.
Nasapo ko ang dibdib ko habang nakatitig kay Mama na nakapameywang.
"Ma.." napalunok ko na sambit at tuluyan na pumasok.
"Late na masyado Czaira. Sino ang naghatid sa iyo?" Kunot ang noo na tanong niya.
Humakbang ako papasok at dumiretso ng kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref para makainom.
"Si Damon po."
Nakasunod pa rin si Mama habang pinagmamasdan ako.
"Hindi ba parang hindi naman magandang tignan na nale-late ka ng uwi tapos lalake ang maghahatid sa iyo?"
Napalingon ako kay Mama sa kaniyang sinabi. "Ma, ano iyon?" Natatawa ko na tanong at nilampasan siya.
"Czai may boyfriend ka. Nasa New York lang at susunduin ka dito. Dalawang Linggo na lang ay darating na siya. Ano na lang ang iisipin niya."
Napahinto ako sa paghakbang at hinarap siya."Ma, ako na ang nagsasabi sa iyo. Mahal ko si Steven at malaki ang utang na loob ko sa tao. Hindi ko kayang gawin ang nasa isip mo."
"Gusto ko lang na ipaalala sa iyo." Pormal na wika ni Mama habang papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at hinaplos ito. "Magpahinga kana. Atleast message Steven na nakauwi kana." Pagkasabi niya ng mga iyon ay umakyat na siya ng hagdanan.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko atsaka kinuha ang phone ko.
Damon
You forgot my jacket