25

20 1 0
                                    

Humingi ng tawad sa akin ang mga pinsan ko dahil sa kanilang mga nagawa. Madali lang naman humingi ng tawad katulad ng kung gaano kadaling manira. Hindi ko gusto ang ginawa nila pero sino ba ako para magkimkim ng galit at inis para sa kanila. Lahat naman tayo ay may mga pagkakamaling nagagawa.

Pero hindi ako malayo at hindi malapit sa kanila ngayon. Mas mabuti na hindi na lang muna magsalita.

Gusto ko na mamuhay ng kahit papaano ay tahimik at payapa.

Katulad ng usapan namin ni Mama, sina Lolo at Lola ang isinama namin sa bahay pagkatapos namin na manatili ng ilang araw sa probinsiya.

Ako ang magtatrabaho para sa amin. Si Mama ang mananatili kasama sina Lolo at Lola sa bahay.

Marami akong interview na pinuntahan pero hindi pa ako natatawagan. Hindi ko alam kung bakit.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na matatanggap din ako.

Ayokong mainip...

"Hija, iyong telepono mo. May tumatawag ata."

Napahinto ako sa paghuhugas ng mga plato nang tawagin ako ni Lolo sa kusina. Kasalukuyan silang nanonood ni Lola sa sala nang tawagin niya ako. Kakatapos lang namin mag-almusal kaya nagpapahinga sila pareho.

Pinunasan ko ang mga kamay ko at naglakad patungo doon. Kinuha ko ang phone ko sa lamesita at tinignan kung sino ang tumatawag. Natawa ako nang makita ko na wala naman tumatawag. May nag-message lang.

Unknown number ito. Lumabas ako sa veranda at doon binasa ang message.

Natigilan ako nang mabasa ito. Message ito galing sa RE Cafe ng club at pinapapunta ako ngayon para sa isang interview.

Napakunot ako ng noo. Hindi ako nagpasa ng resume doom dahil hindi ko naman balak na pumasok doon.

Babalewalain ko sana iyon pero bigla na lang tumatawag si Nat sa akin.

Pagkasagot ko ay boses ni Miggy ang nasa kabilang linya.

"Hello Czai? Come on. Pumunta kana dito ngayon din. Ayaw mo ba ng trabaho? Sayang ito kung ibibigay lang sa iba. I-try mo lang."

Iyon ang bunga ni Miggy sa akin sa kabilang linya.

"Hey. Subukan mo lang. Sayang. Hindi naman ito tungkol sa inyo ni Damon. Kailangan mo ng trabaho right? Ito na iyon." Si Nat ang pumalit sa kabilang linya matapos niyang murahin si Miggy. "Dumiretso ka muna sa RE Cafe para si Neal muna ang kakausap sa iyo. Then kina Gray and Cloud after. Okay."









Nakatitig ako sa mataas na gate ng RE Club habang hawak-hawak ang phone ko. Hindi ko alam kung bakit pinatulan ko talaga ang in-offer sa akin nina Nat at Miggy. Hindi ko rin matanggihan dahil nag-message sa akin si Nat kung magkano ang sasahurin ko dito. At pwedeng-pwede na sa akin iyon. Sa madaling salita, naakit ako sa pera! Bakit? Nagtatrabaho tayo para doon hindi ba? Hindi ako naniniwala na pangunahing rason ng iba sa trabaho ay iyong knowledge at experience. Hypocrisy. Nagtatrabaho tayo para sa pera. Believe it.

Pagkatapos ng tila ba interogasiyon sa loob ng receiving area nila para sa mga aplikante ay sumakay na ako ng E-jeep papunta sa RE Cafe. Ang totoo ay kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mga pwede ko na makita sa loob ng club.

This place brings back so many memories. Kay Steven, kina Zion at Zico at maging sa amin ni Damon.

At wala pa rin itong ipinagbago. Napatitig ako sa malaking tarp na nakasabit malapit sa arko papasok ng mismong club.

Mukhang nagpapatayo na sila ng hotel sa mismong loob? Wow. As in Wow lang talaga kina Gray and Cloud. This is really a big thing. May plano din pala sila na magpatayo ng staff house para sa mga empleyado. This is really great. It's just amazing.

 MISSING PIECEWhere stories live. Discover now