Isa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa pamilya niya ng pamilyang Ladesma. Para na rin maiangat niya sa kahirapan ang pamilya niya balang araw. Wala sa plano niya ang makipaglapit sa siraulo at mayabang na bunso ng mga Ladesma. Lalong-lalo na ang umibig dito. Pero ganoon pa rin ang nangyari. Date: Dec. 14, 2020 - March 24, 2021 Published in 2024 under Grenierielly Publishing