Former Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa puso nito dahil hindi man lang niya nakasama ang ama sa matagal na panahon. Pinagsisisihan niyang lumipat pa ito sa ibang bansa upang makapag-aral. Pagkatapos ng ilang taon ay nag-asawang muli ang kanyang ina. Hindi tanggap ng dalaga ang desisyong iyon ng kanyang ina kaya mapa-hanggang ngayon ay kinamumuhian niya ito. Kaya gayon na lamang ang pagbabago ng ugali niya, pati na rin ang kanyang buong pagkatao. Nakatakda na ang araw nang kanyang pagbabalik sa Pilipinas, ngunit sa isang iglap ay may makikilala siyang binatang makapagpapabago ng kanyang buhay. Ang hindi niya alam, may mga sekretong nakakubli sa bawat titig na kailan may hindi mahuhuli. Ngayon, magpapatalo ba siya? Magpapahulog ba siya sa patibong ng pag-ibig? DATE STARTED: April 03, 2021 DATE CONTINUED: February 01, 2022 DTAE FINISHED: June 17, 2022 YAYYKATHY