"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo ay napakahirap pala, lalo na kung ang tadhana ay hindi nakiki ayon sa atin. Bata pa lamang ako ay pinangarap ko na ang isang Talavera. Bagay na nakakatawa pala, dahil isa lamang akong hamak na anak katulong sa kanilang mansyon. Ngunit dahil sa mapaglarong tadhana ay natupad ang mga bagay na pinapangarap ko lamang. Masasayang pangarap na akala ko ay panghabang buhay na, ngunit nagkakamali pala ako... Dahil ang pangarap na akala ko'y sa akin ay hindi pala.. Kumbaga sa musika, isa lamang akong instrumento upang makagawa ng magandang kanta ang dalawang taong pinag-pares para isa't isa. Ang dalawang taong tunay na itinadhana para sa isa't-isa.. Rosalyn Bilgera White Gown Series 3 A novel by: Myka Baladjay Highest Rank: #96 Copyright © 2016